The big pork is no more at large!
Weh! Talaga lang ha?
Sa wakas, natuldukan na rin ang malawakang manhunt ng tinguriang reyna ng anomalya na may kinalaman sa pork barrel. Alas-9:37 kagabi nang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim-Napoles, ang negosyante na sinasabing utak ng 10 billion peso pork barrel scam.
Bago mag-hatinggabi ay dinala si Napoles sa Camp Crame at nasa kustodiya na ng Department of Interior at Local Government at ng Philippine National Police. Kaya sa malamang ay buhay na naman ang kalakaran ng news production at pati ang paligid ng headquarters ng PNP.
Sa malamang din, ito ang naging laman ng mga usapin sa paligid, at mga palatuntunan sa broadcast media. Naging headline ng mga pahayagan ang naturang news item. Nagtrending din ito sa mga posts sa mga social networking sites.
Okay, so napasakamay na ng batas si Napoles. Bakit nga ba siya nagtago? May banta raw kasi sa buhay niya. Sabagay, sino ba naman ang hindi pupuntiryahin ng nag-aalab na galit ng mga tao kung ikaw ba naman ay nangurakot sa kaban ng bayan ayon sa mga balita sa media.
Bakit kay PNoy pa siya sumuko? Dahil napagkakatiwalaan siya sa mata ng kanyang abugado. Hindi na bago sa kasaysayan ang mga kasong tulad ni Napoles. 'Yan ay kung papaniwalaan ang mga sagot ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda sa press conference na nagawa kanina.
Pucha baka naman moro-moro lang yan ha? Papogi points ba. Yan ang dalawa sa mga naunang espekulasyon ng publiko. Sabagay, bago kasi sumuko sa Janet ay nagbigay ng pabuya si PNoy para sa ikadadakip ng naturang fugitive na mahigit dalawang linggo nang pinaghahanap ng batas sa kasong illegal detention na isinampa ni Benhur Luy, ang whistleblower sa kontrobersiya ng pork barrel.
Aba? 10 million pesos? Sinong tatanggi pa dyan? Limpak-limpak na pera yan oh.
Pero dahil sumuko siya, walang reward. Uy, nanghinayang ka no?
Pero lintian, bakit may special treatment na ibinigay sa kanya? Hindi naman daw sabi ni DILG secretary Mar Roxas. Baka nga dahil sa may banta nga kasi kaya kailangan niya ng seguridad. Ganun? E bakit yung ibang kriminal, hindi naman ganyan ang pagtrato ng mga alagad ng batas sa kanila?
Posible raw maging state witness si Janet? Hmm.... yan ay depende na sa paggulong ng hustisya. Kung makikipagtulungan siya sa otoridad. Sabagay, hindi kasi maisasantabi ang anggulo na "frontliner" lamang ang pangunahing akuasdo. Baka nga marami pang matataas na tao ang nasa likod ng pork barrel scam.
Hay. Yaan niyo na. Ang mahalaga ay nahuli siya. Pero, anyare naman kaya sa magiging kahinatnan ng kasong ito? Abangan sa susunod na kabanata. Kahit hindi na "Nasaan ka, Janet?" ang pamagat nito.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
I agree with you. Parang teleserye yung dramang napoles-pnoy. required talaga na sa presidente magsurrender? anu yun, nakatago siya sa MalacaƱang this whole time then kung kailan nagkakabukingan na, ilalabas siya para idivert yung attention nang tao? Logic talaga. Akala nila matatanga tayo.
ReplyDelete