Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 August 2013

Nasaan si Janet?

8/16/2013 2:35:14 PM

Katunog niya tuloy ang pamagat ng isang teleserye, subalit hindi siya nagrarhyme sa tunog ‘no? Pero ‘yan nga ang katanungan sa mga balita ngayon: nasaan si Janet Lim-Napoles? Saan siya nagtatago? Saan siya lumipad? Saan siya nagpunta? Asaan siya?

Kamakailan kasi ay hinain ng National Bureau of Investigation ang warrant of arrest laban kay JLN at sa kanyang kapatid na si Jojo Lim. Hinggil ito sa kasong serious illegal detention na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy, isang sa mga kamag-anak at dating assistant ni JLN sa mala-anomalyang P10-B “pork barrel scam.”

Hinahap siya sa mga lugar na pagmamaya-ari ng mga sangkot na magkapatid. Pero bigo ang mga otoridad na mahanap at maaresto sila.

Sa tingin ko, ha? Matapos siyang magbato ng salita sa kanyang press conference ay dali-dali an rin siyang umalis. Ibig sabihin, parang late na ang mga alagd ng batas ukol sa kasong ito.


Ngayon ay malawakan na ang manhunt operation laban sa aleng ito. At ultimo si Justice secretary Leila de Lima ay hinikayat ang publiko na maging maalerto dahil sa high profile fugitive na si Janet. Kahit ang citizen’s arrest ay maaring magamit para maaresto ang wanted na magkapatid.

Good luck nga lang. Dahil ang karamihan ay pipi’t bulag sa mga ganitong pangyayari. Hindi naman yan tulad ng mga vigilante e (maliban sa aspeto ng brutal na execution ways tulad ng pagpatay). At kung may maganap man na citizen’s arrest, hindi na sana muna ito kondenahin ng Commision of Human rights as long as matiwasay naman ang pag-aresto sa tao.

Pero saan pa ba magtatago si Janet? Sa Indonesia? E hindi nga niya masabi ang kanyang business sa Indonesia. Oo, ni pamagat man lang ay hindi niya mabigkas. “I’ll tell you if we’re there.” Anak ng pating. Ano yan? Fly-by-night ang business mo dun? Yan din kasi ang magiging spekulasyon ng tao pag ganyan palagi ang sagot mo e.

Sa kabilang banda nga lang, hindi kaya na may halong “conspiracy” na rin ang pagbigay ng “hype” ng media sa isyung ito? Ang siste kasi, hindi pa napapatunayan na guilty siya sa scam e.

Pero sa kabilang banda ulit, kung hindi siya guilty at lehitiomo ang kanyang negosyo, e bakit siya nagtatago at bakit siya magtatago? At bakit siya bibira ng ganung mensahe?

Ang labo lang.

Pustahan, pag natabunan ang isyung ito, ay baka dun lang magpakita ng presensya ang mga akusado. At baka magtago ulit pag napansin. Yikes. Para kayong moro-moro ha?


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!