8/1/2013 12:49:08 PM
Tama. Ang isang batikang boksingero na naging kongresista,
may planong tumakbo bilang pinuno ng bansang Pilipinas sa 2016. Tama, ang
tinaguriang pambansang kamao at ang dati rin na binansagang “pound for pound
king” na si Manny Pacquiao, ay nagsalita na possible raw siyang tumakbo bilang
Pangulo ngating republika sa susunod na national elections.
ANO?! What the hell? Seryoso?!
Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.
Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.
Oo nga. Exaggerated naman nito. Pero kung ganun man ang
mangyari, hala. Hindi kaya magkakabanggan sila ni Vice President Jejmoar Binay
niyan? Pareho kasi sila na partido e, parehong mga kasapi ng United Nationalist
Alliance o UNA. At may plano rin tumakbo ang
dating long-time mayor ng Makati .
Sa malamang ay dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari d’yan: either (1) ang
isa ay magbigay-daan na parang ginawa ni Mar Roxas kay Noynoy Aquino; o (2) isa
ay lilipat na naman ng paritdo, at tingin ko pag nagkataon ito ang mangyayari
kay Manny.
Oo, baka lumipat siya ng partido pag ganun. Panibagong
bulyaw na naman ng “balimbing” sa kanyang pangalan ito, dahil mula noong
sumabak siya sa pulitika ay ilang beses na rin siya nag-patintero sa mga kampo.
Pero, seryoso ba ‘to?
Oo nga, kulit. Kaso, ano naman mangyayari pag nanalo siya?
Una, ibig sabihin lang nito na maraming mangmang at ignorante ukol sa pulitka
sa ating bansa. Pangalwa, hindi ko alam kung ano o anu-ano ang kanyang proyekto
maliban pa sa kanyang hangarin na gusting tumulong s akanyang kapwa. Masyadong
broad ang ganoong hangarin.
Pero… pasensya na kung makulit ha, pero… seryoso ka ba
talaga sa balitang ito?
Pucha. Anak ng putakte naman, oo nga!
At ano naman ang magiging epekto nito sa atin pag tumakbo si
Pacman?
Na ganito katindi ang kapangyarihan ng demokrasya, pati na
rin ng sobrang basic na alintuntunin para sa isang tao na magiging kandidato ng
bansa. At ganito rin katindi ang mundo ng pulitika. Kahit ang porbeng sportsman
na naging kampeon, kaya nitong paikutin ang mata. Mas malakas pa sa uppercut ng
kanayng kamao.
Mahirap nang makisawsaw sa isyung ito. Masyadong
kumplikadong pag-usapan ang pulitika sa ating bansa. mapapagkamalan ka pang
utak talangka sa kakabira ng “seryoso?”
Pero, congressman dati at ngayon, tapos pangulo bukas?
Parang yung mga pulitiko na nananlo kahit sobrang ambisyoso ang datingan ha?
‘Di ba pwedeng senador muna?
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!