04 August 2013

Patok o Bulok?: Genelyn Sandanga’s Covers

8/4/2013 1:48:17 PM

Isang internet sensation na naman ang naging matunog sa mga netizens. Halos lahat sa mga ito ay may say sa isang Genelyn Sandanga at ang kanyang mga covers sa YouTube. All for fame’s sake, ika nga. Naging viral hit ang kanyang mga videos sa naturang kilalang video streaming site, at pati na rin sa Facebook.


Pero, bakit nga ba naging viral hit ang babaeng ito? Dahil ba sa kanyang pagkanta? Well, yun naman ang kadalasang talento ng mga nagko-cover ng mga kanta e. Subalit, anong meron sa mga ito? Sinilip ng inyong lingkod ang ilan sa mga cover niya at ito lang ang aking mga napagtanto.


Sobrang iba ng kanyang istilo ng pagkanta. Ni hindi nga ito mahahalintulad sa tinatawag na “spoken word” ni Lourd de Veyra ng Radioactive Sago Project, o ultimong pagrarap (sobrang layo lang). As in sobrang monotonous lang. 

Siguro kung may nakakatuwang bagay sa babaeng ito, yun ay ang kanyang lakas ng loob para gumawa ng mga cover na tula nun. ‘Oy, hindi rin biro ang harapin ang panlalait ng karamihan at ikaw nama’y kiber at wapakels sa anumang pinagsasabi nila. Actually, ayos sana e.

Kaso sa pagpapangalandakan ng kanyang mga istilo sa pagkanta nun, walang-wala namang pinagiimprove. Hanga na sana ako e. Kaso… pft. Dito tuloy napaisip ako ng tanong na ito:

Bakit kung sinu-sino pa ang mga hindi naman hasa ang talento (tapos hindi pa inaayos ang mga ito), sila pa ang sumisikat?

Sabagay, sa panahon na ito, kung sino ang naiiba, yun ang mas pinapansin. Kasi  nga, ibang-iba sa tipikal na ipinapakita ng tao.

Kaso, nakababato rin naman pakinggan ang mga tulad ng cover niya in a long run. Ewan ko na lang kung may na-LSS pa sa mga ginawa niya.

Ano ang hatol nyo sa mga cover nya? PATOK o BULOK?

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



1 comment:

  1. May ibig sabihin bakit siya sumikat. Kahit ano man ang kanyang istilo sa pagkanta, meron siyang style, karisma o nakakatuwa tungkol sa kanyang mga covers.

    Kung ano man ito, ang mga taong tumangkilik sa kanya na lang ang huhusga. It is not very difficult to be happy of what she achieved.

    Make your own and let's see if you can go where she is right now.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.