10 August 2013

Sixth Man

8/10/2013 11:48:26 AM

Gaano kahalaga ang home crowd sa laban ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa kasalukuyang FIBA Asian Championship? Napaka-importante lang naman sila. Sa isang basketball-crazed nation na tulad natin, isang malaking karangalan ang maging isa sa mga pinakatanyag at pinakatalentadong koponan sa larangan ng naturang palakasan.

Nariyan ang mga matitinding suporta ng crowd, mga talaga namang passionated na fans. Walang tigil na sumusuporta sa kanilang bet na player o team para lang ipanalo ang laro. Meron nga dyan ay may dala-dalang paraphernalia tulad ng banner o streamer, mga placard na gawa sa samu’t saring klase ng papel o karton, tambol (bagay na usong-uso sa mga cheerleading suqad ng mga collegiate leagues), clapper, at ang kanilang presensya o boses. Maliban pa yan sa iilan na nang-aasar sa kalaban. Matinding satisfaction ‘to para sa kanila.


Sa totoo lang, usong-uso ang tinatawag na “sixth man” sa mga piling laro at koponan sa Philippine basketball at sa kahit ano pang sport. Nariyan ang crowd ng Brgy. Ginebra at San Mig Coffee sa PBA, ang magkaribal na Ateneo at La Salle sa UAAP, pati na rin ang mga championship games sa iba’t ibang liga, amateur man na tulad ng UAAP, NCAA, PCCL, at Flying V Cup; semi-pro na tulad ng dating PBL at naging PBA D-League; at kahit ang PBA mismo na kaisa-isang professional basketball league sa ating bansa; samahan mo na rin ng ABL na kinakalaban rin ang ibang mga bansa sa mga karatig na lugar na kasapi ng naturang liga.

So, kung sa sariling bayan ay may kanya-kanya tayong manok na kinakampihan, what more pa kung ginanap sa ating bansa ang mga internation competitions tulad ng digmaan sa FIBA Asia?

Noong 1973, naging kampeon ang RP team na kinabibilangan nila Caloy Loyzaga, Yoyong Martirez, Robert Jaworksi, Freddie Webb at iba pa, sa Asian Basketball Confederation (ABC) Championship. At yan ay naganap sa harap ng mga tagahanga na nanood ng kanilang Finale laban sa Korea nun sa Rizal Memorial Stadium. Apat na dekada na pala ang lumipas kung ganun.

Ngayon, na kalaban na natin ang iba pang mga magigiting na koponan sa Asya, isang mahalagang factor ang home crowd. Dahil una, sila ay nasa home court natin kailangan ng Gilas ang ating suporta, bagay na napaka-evident naman kung magtatanaw tayo sa mga nakalipas na laro.

Sa kabila ng pagkatalo laban sa Chinese Taipei, dumagsa pa ang maraming mga Pinoy basketball fans sa Mall Of Asia Arena sa mga sumunod na apat na laro, 3 dito ay sa second round ng FIBA Asian Championship habang ang panghuli sa ngayon ay sa quarterfinals laban sa Kazhakstan.

Na-impress nga ang mga dayuhan sa suporta natin sa ating bansa e. Kunsabagay, bihira lang naman yata ang mga tulad ng Pilipinas na may ganitong ka-intense ang suporta sa kani-kanilang national team.

Kaya hindi kataka-taka na ang karamihan sa ating mga Pinoy ay sadyang mga avid fan ng basketball, ke amateur man, professional o international.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.