8/25/2013 10:46:44 AM
Abolish pork barrel?
Nah, sa totoo lang, isa rin ako sa mga sumusuporta sa adhikaing ito ng mga netizens sa internet. Aba, ikaw ba naman ang maging kabilang sa kommunidad ng mga taxpayers ng lipunan (at mantakin mo na kahit bata pa na may binibiling pagkain sa tindahan ay maaring kabilang din dun), tapos malalaman mo na lang na ang binayad mo ay napunta lang sa bulsa ng mga gahaman?
Kaya sa lang, sa totoo lang, (reality bites ba), ang pagbuwag sa tinatawag nating pork barrel na may mabangong pangalan bilang “Priority Development Assistance Fund” (o kung magbabalik-tanaw tayo sa pagbabago ng lipunan, “Countrywide Development Fund.”) ay isang malaking suntok sa buwan.
Oo, napakalabong mangyari ke agaran man o long-term ang
solusyon. Bakit ko nasasabi ang mga ‘to? Maraming dahilan, mga tol.
Dahil sa hindi naman ganun kapensyoso ang Pinoy. Kaya nga
lagi tayong nagreresort sa short-term solution e. Dahil pag mahaba-mahabang
usapan, ayaw na ayaw natin ang mga ito. Likas tayong mainipin. Ang mga
pagbabago tuloy na inaasam natin, nababalewala lang.
Hindi mo ba napapansin ang mga pangyayari sa atin nu’n, na
ang lalakas ng loob nating sumigaw ng pagbabago nung una tapos ngayon na may
hakbang, nagrereklamo tayo? Tapos pag wala pa naming nangyayari, umaangal kagad
tayo?
Malabong mangyari na mabuwag ang pork barrel dahil sa
maraming hipokrito sa ating lipunan. Yan din ang dahilan kung bakit mabagal (at
kung realistic ka masyado, lalong babagal) ang usad ng hakbang na ‘yan. Siyempre,
kabilang na sa isang malayang lipunan ang lipunan na mahihilig tumaligsa dahil
sa may baho na malalantad pag nagkataon.
Sa una, aagree sila. Pero baka mamaya, bababligtad na ang
salita nila. Akala ko ba ang tatalim ng buntot nito? Bakit bumahag nu’ng
lumapit na ang pagkakataon? Akala ko ba kaya niyong tayuan ang mga salita na
ayon sa prinsipyo niyo at paninindigan niyo ito?
At may alibi ba d'yan: hindi naman pera ang may-sala e. Yung mga tao mismo.
Yun nga ang problema kaya alanganin sa pagkakataong ito na maabolish ang pork barrel. Ganyang klase ng dahilan. Sabagay, sa kabilang banda, tama ba namang sisihin ang bagay na kung tawagin ay "pera?" Kung ganun nga ang dinadahialn, hindi anman akya baligtad ang lohika natin. Malay ba ng "pera" dyan, e hindi naman yan tulad natin na living creature sa mundong ito?
Kaya sa totoo lang, mas maniniwala pa ako sa kasabihang "love of money is the root of all evil." Dahil totoo naman, hindi naman pera ang may-sala. Bulok na ang mga kataganag "money is the root of all evil."
Eh kung sa business eh. Sa pork barrel nila babawiin ang mga
ginatsa nila nitong nakaraang eleksyon. At hindi na kataka-taka na ang poltics
at business ay magkakaugnay. Ika nga ng isang video, mas tinuturing pa nga nito
na siang oligarkiya ang pamahalaan ng Pilipinas kesa sa demokrasya.
Pustahan, hindi mabubuwag ang PDAF ng mga nasa lehislatura
dahil hihirit din ang taumbayan na dapat ang PDAF sa ehekutibo din ay
matanggal. E paano kung ayaw ng Kuya mo at sabihin niyang “ibang uspan na
‘yan?” Patay tayo d’yan! Mahaba-habang usapan na naman yan.
Pero sa dulo ng mahaba-habang usapan, isang kontrobersiyal na isyu lang ay kaya na niyang sapawan ang paksang pork barrel. Oo, ganun naman
lagi ang kalakaran sa sirkulasyon ng media e. May isyung lilitaw tapos may isyu
ding lulubog. Tapos kapag may bagong scoop dun lang siya ulit magte-trending.
Tapos pag nagsawa na ang tao at tumumal na rin ang diskusyon ukol sa pagbuwag
ng pork barrel, baka naman lilitaw na naman yan na may panibagong
whistleblower.
Mahiya naman kayo. ‘Di ba alam ng mga ‘to (maliban sa mga pahayagang broadsheet) na
namatay na ang unang whistle blower na si dating Marikina representative Romeo Candazo? Paano
na lang kung malaman niya kahit na nasa kabilang buhay siya na ay hindi pa rin
nabibigyan ng hustisya ang kanyang ipinaglaban.
At take note, 1996 pa niya ito isiniwalat. Count the years.
Ito ang preba kung gaano kabagal ang sistema ng pag-hatol sa ating lipunan.
Parang yung batas na tulad na lamang ng Reproductive Health law na ianbot ng
halos dalawang dekada para maisabatas.
Sobrang bagal lang ng usad ng mga batas sa atin. Pag naipasa
nga may flaw pa rin e. Tapos ang iba pang mahahalagang batas at panukala ay
hindi maipapirma sa nakatatas e. anyare sa FOI bill? Mas inuna pa ng mga ‘to
ang jeskeng panukala na sumusupil sa kababawan sa ating lipunan e.
Oo, suntok sa buwan ngang maituturing. Lalo na’t kung hindi
malalaman ng pangulo ang dalawang bagay na ito: una, kailangan niyang pairalin
ang kanyang political will. Yan ang susi sa kanyang pag-unlad bulang pinuno ng
ating estado. Ieechapwera niya ang popularidad, sa ngalan ng kanyang “tuwid na
daan.”
Bakit niya kailangan ng “political will?” Dahil (pangalawa
ay) sadyang marumi ang pulitika sa ating bansa. Kunsabagay, “dirty game” nga
kung maituturing ‘to. At ang mga sadyang malilinis ang adhikain sa ating
larangan ay ang siyang hindi naman tinatanggap ng sistema nito. Lalo na yung
mga hindi marunong makipaglaro ng baho at putik, hindi gamay ang
makipagpalistikan sa mga personalidad na alam niya ay “corrupt,” at hindi
nakikisama sa kanyang mga kabaro sa kongreso at senado.
Kapag hindi pinairal ang “political will,” mananatiling
suntok sa buwan ang pagbuwag sa pork barrel. Mas okay pa ngang siguro na hindi
na lang magbayad ng buwis eh. Maliban pa yan sa pagmamartsa bukas as Luneta.
Naisip ko lang.
Eh kung sa hindi naman kami nakikinabang sa lecheng pork
barrel na yan e. imbes na makaipon kami ng salapi para sa kinabukasan ng buhay
namin.
Naman oh.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
Korek, isang SSB 'yan. Kaya nakakatamad nang magbayad ng Income Tax. Yung VAT sa mga tindahan, OK pa eh.
ReplyDelete