Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 August 2013

Surprise!

8/13/2013 4:58:26 PM

Second place? Not bad na rin para sa mga ating bataan na Gilas Pilipinas. ‘Uy, hindi rin biro yun maging runner-up sa FIBA Asia ha?


Kung tutuusin, aminado rin ako na naging duda sa kapalaran ng ating koponan noong nakaraang torneyo. Lalo na’t maraming bansa sa Asya ang naging mausbong pagdating sa kanilang programa sa basketball. Mapalad tayo na sa loob ng 9 na laro, 2 beses lang tayo natalo – una, sa ating huling laro sa first round laban sa Chinese Taipei; at ang huli ay sa finals kontra Iran.

Exceeded na yun sa expectations na at least makapunta tayo sa semifinals at maka-iskor tayo ng ticket sa World Cup ng basketball sa Espnaya sa susunod taon. Maituturing na isang malaking surpresa sa mundo ng basketball ang performance ng Pilipinas, dahil sino ba ang nag-aakala na mapapadpad ulit tayo sa World Championship ng FIBA maliban sa mga sumuporta tulad natin (in general)?

Ang isa sa mga superstar ng Los Angeles Lakers na si Pau Gasol, nagtweet ng kanyang pag-congratulate sa Pilipinas, Iran at South Korea. 


At ultimo ang champion sa torneo na Iran ay naimpress sa kakayanan ng mga basketbolistang Pinoy. Yun nga lang, sanay na ang kalaban sa ganitong klaseng labanan.  Atr ika nga ng kanilang coach, kelangan ng Gilas ng "size" sa susnod na pagsabak nila sa World Cup. Wecharge it to experience, ika nga.

Oo, matapos ang 35 taon. Naging host tayo sa FIBA World Championship noong 1978, subalit nasa pang-walong pwesto lamang tayo matapos maging winless sa lahat ng pitong laro ng naturang torneo.

Dapat ay tutulak din tayo sa Espanya noong 1986 matapos natin masungkit ang ikatlong pwesto sa ABC Championship noong 1985. Ngunit hindi ito naisakatuparan dahil sa conflict sa ating pulitkal nakaganapan. Maaalala noon na nagpalit ng pamumuno ang Pilipinas matapos mapatalsik ng People Power ang rehimeng Marcos noong 1986.

Marami pang paghahandaan ang Pilipinas. At masyado pang maaga para magproject as mga mangyayari sa susnod na FIBA World Cup, dahil lahat naman ay may tulad natin: puspusan ang training at may iba pang bagay na pinagkakaabalahan sa kani-kanilang mga programa sa naturang palakasan.

Still, it’s a great task job done for the Filipino ballers. Congratulations. Talagang puso ang kanilang ipinakita sa 9 na larong yun.

Ngayon, balik na tayo sa realidad. At panahon na rin para sa mga nagkaisang fans ng Gilas na bumalik sa kani-kanilang kinakampihan sa PBA.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!