Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 August 2013

Tag-Ulan Na Naman. E Ano Ngayon?

7/27/2013 2:13:50 PM

Panahon na naman ng pagtulo ng luha ng kalangitan. Yung tila gaganti na naman sa atin si Inang Kalikasan. Ang kalamidad na mas nararamdaman natin.


Kung tutuusin, palagian naman tayong tinatamaan ng mga bagyo pagsapit ng mga buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre, ‘di ba? Tapos, nagiging alternatibong bersyon pa nga tayo ng Venice at Atlantis sa mga ganitong buwan. Sa dami ba naman ng buhos ng ulan e iinstant swimming pool ang ilang mga kalsada.

Kaya sa panahon na ding ito, marami ang tinatamad pumasok. Siyempre, singo ba naman ang gusting pumasok na may bagong bota, tsinealas, kapote o payong, tapos haggad pa ang itsura mo. Awkward yan pag humarap kay crush. Turn off, o bawas pogi points, ika nga.

Marami rin ang tinatamand pumasok, kaya mas marami risa mga magsyota o mag-asawa ang gumagawa ng bata. Pampainit sa panahong nanlalamig ang katawan ba. Literal, bed weather ngang maituturing ang tag-ulan.

Tag-ulan na naman, kaya sa malamang ay mauuso na naman ang mga kapraningan s ating lipunan. Well, lagi naman e, at hindi nman ito masama basta huwag nga lang sosobra. Mapapraning na naman ang mga tao dahil babaha na naman sa kalye nila. mapapraning na naman ang media dahil sa kaliwa’t kanang mga balita na may kinalaman sa panahon. Well, uulitin ko, walang masama dun dahil dito pa nga natutuo ang mga tao na maging alerto at mapagmatayag sa panahon. Dapat nga lang na makinig din tayo ng balita pag may time e.

Pag may baha, may trapik. At pag may trapik may nasastranded. Chain reaction ang datingan no? Actually, oo. Isipin mo na lang kung ilang lupon ng tao ang nagkukumpulan sa kaliit na espasyo para sumilong tapos hirap pang makakilos. Pero no choice ka na mag-inarte at magkunwaring tuyo, lalo na’t nakikipagsaparalan ka rin naman para makauwi ng bahay ng matiwasay.

Sa panahon ng tag-ulan, mauuso din ang dakilang slita na kung tawagin ay “waterproof.” Ito ay ang tumutukoy sa mga taong pumapasok sa opisina sa gitna ng matinding buhos ng ulan. Bagamat mas nauuso nga lang ito sa mga college students, at sa mga nakalipas na taon ay damay na rin ang buong sangkatauhan na nag-aaral. Mas malakas nga sa hagupit ng bagyo ang buhos ng tubig mula sa itaas, pero may pasok ka pa rin? Good luck. Tapos baha pa sa mga kalsadang dadaaanan mo e no? Good luck ulit. Tapos, kailangan mo tuloy na sumakay ng karagdagang transportasyon, hanggang sa mapapansin mo na lang na lagas ng bahagya ang laman ng pitaka mo. Good luck for the nth time.

Pero kung tutuusin, mas kawawa pa nga ang mga manggagawa pag ganitong panahon e.

Nagbabadya na naman ang masamang panahon. E ano ngayon? Malamang, mag-ingat ka.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!