8/2/2013 11:29:05 AM
Sinabi na ni Rizal noon na “Ang kabataan ay ang pag-asa ng
bayan.” Pero alam mo, kung buhay pa siguro ang mamang ito, baka magbago ito ng
pananaw tulad ng sinuman sa atin na naging kabataan at nagmamasid sa kabataan.
Teka, ano nga bang problema sa Sangguniang Kabataan?
Sinasabi na dito na rin nag-uugat ang corruption sa ating bansa. Simula sa
kabtaan sa baranggay, na umuusbong pa diumano hanggang sa lokal at national
level ng pulitika.
Ayon daw sa mga umaalma, may mga pulitko diumano na
sinasabak ang kanilang mga anak sa larangang ito. Mula doon ay natutuo raw ang
mga ito na laruin ang maruming mundo ng pamumulitika. Kaya sa kanilang pananaw,
dito raw nagsisimula ang mga bagay na tulad ng political dynasty, at iba’t
ibang uri ng corruption na natututunan nila sa paglipas ng panahon.
Kaya ba dapat buwagin ang SK? Sa tingin ko, hindi lang naman
sila ang may-sala. Dahil hindi naman lahat ng mga nagiging kasapi at liderato
nito ay magkakatulad. Hindi naman lahat sa SK ay mga siraulo at tiwali. Siguro,
marami. Pero mali
ang pagjustify sa mga ‘to sa kabuuan.
Marami siguro d’yan ay malalandi at ginagamit ang SK bilang
swagger. Pangalan e. reputasyon, may dating ka pag SK ka. Kilala ka ng tao,
hindi ka babastus-bastusin. Siguro rin ay marami d’yan ay ginagamit ang SK
dahil sa kayabangan. Mantakin mo nun, ‘di ba may kumalat na picture ng mga
kababaihan na nag-iinuman at suot pa nila ang mga jacket at damit na naglalagay
ng sagisga ng Sangguniang Kabataan? Naging viral hit yan sa Facebook kung ‘di
ako nagkakamali.
Oo nga naman, pag ganun ang nakikita mo, baka sa malamang e
mag-alubroto ka talaga at sabihin na “lechugas na ‘yan! I-abolish ang SK na
yan!!!!”
Pero leche, hindi naman lahat ay ganun e. klung iaabolish
rin lang naman ang SK, e di iabolish na rin ang barangay. Baka nga yung iba
d’yan na SK ay iniipit lang din ng mga nasa itaas nila. Ginigipit sa pondo,
plataporma at proyekto;at bakit ganun? Dahil hindi nila kasundo ang mga kawani
ng barangay pagdating sa partido.
Sa madaling sabi, sila at sila lang din ang kabilang sa mga
may-sala sa kalokohan na nangyayari sa ating ng bayan.
Ang problema nga lang, matatalo ba ng reporma ang maruming
mundo ng pulitika sa ating bansa? kung mangyayari man yan, abangan na lang sa susunod
na kabanata ng dramang ito.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!