8/21/2013 4:34:52 PM
May kasabihan: Kung ano ang binayad mo, yun din ang dapat
ang matanggap mo. “You get what you paid for,” ika nga sa Ingles. Ganyan sana ang kalakaran sa
ating bansa pagdating sa buwis.
Pero bilang isang parte ng middle class, isang malalaking
grupo ng mga tao na nag-aambag ng halaga ng salapi sa ating bayan, saan nga ba
napupunta ang ating buwis? Dapat sana
sa mga imprastraktura at proyekto ng gobyerno ‘di ba?
Una, sa mga ganid na pulitko sa ating bayan. Maari na ang
iba sa hanay nila ay matitino (which is no question, maganda naman talaga),
pero ang iba d’yan ay pustahan, ibinubulsa lang at nilulustay sa kung anu-anong
kagaguhan na may kinalaman sa kanilang sarili.
Kaya nga palagi na lang nakadikit sa salitang “politican”
ang salitang “corrupt.” Kaya nga ang ilang mga kawani ng gobyerno din ay
tinutularan na lamang sila dahil sa ganun na rin lang naman ang ginagawa ng
nakatataas sa kanila (kaya nga uso ang kotong o lagay, ‘di ba?).
Bakit ganun? E hindi sapat ang sinasahod nila e. so,
nakikita mo na ang isang malaking ugat ng korapsyon, e no?
Saan pa ba napupunta ang ating mga buwis? Sa mga proyekto
rin naman e. Kaso ang problema lang ay karamihan sa mga pulitiko (na naman) ay
mga bwakananginang “credit grabber.” Imbes na bigyan ng pagkilala ang mga
taxpayer ay kiukuha ng mga mokong na ‘to ang due credit na para lang sa kanila.
Kaya nga umaalingangaw ang salitang ito: “Kapal ng mukha ni
(name of politician). Kala mo pera niya ang pinangggatso dyan ah.” At d’yan
nag-umpisa ang “epal” na isa pa ring panukala ni Senator Miriam Defensor
Santiago matapos ang iasng taong pag-alingawngaw sa sirkulasyon ng mga balita.
Maliban sa pagiging bakaw ng mga pultiko sa pamamagitan ng
kanilang higanteng pangalan at kakapalan ng mukha, saan pa ba napupunta ang
buwis natin?
E di saan pa, sa mga gahamang tao sa ating lipunan. Tulad na
lamang ng isang negosyante na may lehitimong kumpanya, pero may mga bogus na
non-governmental organization (o NGO). Samahan mo pa ng sandamukal na property
at bank accounts na pinasa na n’ya sa mga kaanak. Kaya tuloy nahalngkat din ang
maragbong lifestyle ng anak n’ya.
Mantakin mo na kaliwa’t kanan pala ang paghingi niya ng salapi
mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at samu’t saring mga personalidad sa
larangan ng pamumulitika. Tapos, ibubulsa na lang niya yun at hindi napupunta
sa mga dapat mapuntahang mga poryekto at benepisyo? Bwakananginangyan.
So, this… is where your taxes go.
Ah, dun lang pala e. E kung mawalan kaya ng gana ang
taumbayan sa pagbabayad ng buwis dahil sa kanilang pagakabuwisit sa mga
kaganapan? Aba
ay don’t tell me na pag nagakaton yun ay hahabulin pa ng Bureau of Internal
Revenue ang bawat tax evader sa ating lipunan?
Paano ka nga naman kasi magbabayad ng karampatang buwis kung
hindi naman nakararating sa ‘yo ang mga benepisyong dala nito? Tignan mo nga,
mas malaki pa nga ang binabayad ng mga guro kesa sa mga medical professional?
Samanatalang ‘di hamak na mas mataas ang buwis ng nahuli kesa sa unang
nabanggit? Gaguhan ba ito?
Kaya nga ganun na lang din naman ang alburoto ng mga nasa
middle class (sa pamamagitan ng social media) noong naibalita na bibigyan pa ng
mahigit 18 libong piso ang mga informal settler? Ayos ah, pera namin yan ah.
Tapos sila at sila lang ang makikinabang sa pinagpauguran namin sa halip na
kami dapat muna? Pucha, hindi [atas sa amin yan!
Kaya kung tutuusin, kawawa naman kami, sila at tayong mga
nagbabayad ng buwis. Nakawawalang gana tuloy na maging makabayan sa pamamagitan
ng gano’ng pamamaraan man lang. Tsk.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!