Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 August 2013

Tirada Ni Slick Master: Ang Arte N’yo!

8/21/2013 5:05:40 PM

Ang arte rin ng mga ‘to no?

Porket maulan ang panahon, tinatamad nang pumasok. At teka nga, may gana ba talaga ang mga ‘to na magsipasok sa kani-kanilang mga eskwelahan?

Kamakailan lang kasi, noong kasagsagan ng mga pag-ulan sa lugar na ating kinatitirikan, ay naglipana sa mga news feed sa social networking sites na Facebook at Twitter ang pagiging tamad ng mga estudyante na pumasok sa eskwelahan. Aba, sa school, tamad kayo pero sa Facebook, ang sisipag n’yo?


Lalo na’t nakapagpainit pa ng ulo sa akin ang mga post na may kinalaman sa “sana ay bumabagyo na lang, para hindi kami makapasok sa eskwelahan.”

Aba’y hindi rin may pagk asaksakan ng pagkasiraulo ang mga batang ‘to e no? Kunsabagay, hindi pa kasi nila nararanansan ang maging waterproof (ang salitang gamit na ang depinisyon ay tumutukoy sa mga tao na pumapasok kahit umuulan). O mas malala, hindi pa dumating sa buhay nila ang bagyuhin sila.

Akala kasi ng mag mokong at lokang ito ay masamang panahon talaga ang dala ng ulan. Well, masama naman talaga ang extreme weather conditions. Pero ang ulan bilang kabuuan? Hindi naman siguro no?

Isipin mo na lang kung isang buong taon na hindi uulan sa Pilipinas, may makakakin ka pa ba na kanin sa iyong hapag kainan? O may maiinom ka ba na tubig?

At isipin n’yo kung hindi kayo papasok t’wing bumabagyo ay: Una, hindi mo makikita ang mga cursh mo; pangalawa, wala kang baon; at pangatlo, wala kang kinabukasan kung maglalaro ka lang ng tamad-tamaran d’yan sa kinatitirikan mo.

Pero balik tayo sa pagtira sa mga siraulong nananalangin na bumagyo na lang sana araw-araw. Alam n’yo, bakit hindi n’yo na lang gayahin ang ilang mga tao sa mga paborito mong website na tulad nito?


Tignan mo s’ya. Buti pa nga siya e. Hindi makasarili. Alam na alam niya na hindi lahat ay nagbubunyi pag umuulan. Dahil sa kada masamang panahon na dumadaan sa ating archipelago ay may mga napeperwisyo, ke buhay man yan o material na pag-aari.

Tamaan sana ng lintik ang mga nababadtrip sa PAGASA dahil pinaasa sila sa mga suspension ng klase. Gayun din naman ang mga taong tamad lang talaga pumasok at nananalangin na sana ay may bagyo palago. Ang aarte niyo!

Kung kayo ay nagbubunyi dahil wala kayong pasok, isipin n’yo din naman yung mga taong naperwisyo nang dahil sa baha. Isipin n’yo kung katulad niyo rin silang nagpe-fiesta.

Kung tutuusin kung may dapat mag-alburoto dito, yan ay yung mga nakatatandang nilalang na sa gitna ng masamang panahon ay nagkakandarap silang pumasok sa kani-kanilang mga eskwelahan at opisina. At sigurado ako na pag sila ay nasuspend, ay hindi sila magbubunyi dahil wala silang pasok. Hindi tulad ng mga ungas na “sana may bagyo palagi” ang palagiang litanya.

Muli, ang aarte niyo!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!