09/07/2013 11:07PM
May kasabihan: "Aanhin mo ang napakaraming kaibigan kung hindi naman sila totoo sa tapat mo?"
Hindi ako magpapaka-hipokrito. Sa dinami-dami ng mga kaibigan ko sa parehong birtwal at tunay na mundo, mas gugustuhin ko pa ring manatili bilang isang anti-social na tao.
Kalimutan mo na ang pagkakaroon ko ng tatlong account sa Friendster (dalawa rito ay full nun), ang sandamukal na mga network ko sa mga dati ring social networking accounts na Multiply at MySpace, isang libong liker sa page ko, daan-daang follower sa Tumblr at Twitter, at halos dalawang libong friends sa Facebook. Dahil sa totoo lang, kahit kaibigan mo ang mayorya ng populasyon ng Pilipinas, pustahan, halos kalahati dyan ay ang mga ganitong klaseng tao (base na rin sa artikulong Five Friends You Can Live Without na nilimbag sa Young Star section ng The Philippine STAR):
Clingy. As in super-clingy. Alam mo yung mga tao na sobrang dikit nang dikit sa iyo? Yung tipong hindi siya mabubuhay kapag hindi ka niya makikita? Okay sana kung kasintahan mo e. Okay sana kung may sakit siya sa kanyang behavior na ADHD. O okay sana kung single ka, at chicks siya eh. E paano kung kabaro mo? Yuck, I smell bromance. Yan, kakasubaybay kasi sa mga basing na baduy na palabas sa mainstream. Pero alam mo yun mga tipong kailangan mo ng personal space at pinagsisiksikan niya ang sarili niya. Hindi lang siya naa-out of place, nakakainvade pa siya ng privacy.
User-friendly. Yan yung mga tao na tatawagin ka lang dahil may kailangan sila sa iyo. Ayos lang sana kung minsan siya huminhi ng pabor sa iyo e. O kung lagi naman kayo nagba-bonding. E paano kung kakausapin ka lang dahil may kailangan siya? Nakakagago, 'di ba?
Yung mga"flaky" kung tawagin. Yan yung mga tao na hindi sunusunod sa usapan, mga taong magsasabi na "papunta na ko" (or mas may dating, "on the way") pero actually, nagsha-shower pa lang! Naku, kung bossy lang ako baka minura ko na sa text 'tong mga 'to dahil babagal-bagal kumilos.
Yung mga bully. Bully sila in a sense na ikaw yung laging ginagawang tampulan ng mga biro. Walang hiya kung makapahiya sa iyo. Insensitive pa nga sila e. Alam na nga na hindi na nga nakakatawa ang biro nila sa iyo, bibiruin ka pa at bibiruin. Kung robot lang sila, isa ang magandang solusyon dyan: yan ay dapat silang supladuhan at komprontahin. Oo, para makatikim naman sila kahit papaano.
Habang binabasa ko ang artikulo ng awtor na ito, narerealize ko na sobrang nakaka-relate ako. Minsan rin naman sa talambuhay ng pagiging bata ko ay naging biktima ako ng pangbu-bully.
Pero sa totoo lang, sa panahon ngayon ay para na rin akong isang bully eh. Bully in a sense na nakikipaglaban din ako kung kinakailangan. Binabangga ko ang mga dapat banggain. Kaya ganito na rin ako ka-angas maglahad. In short, bully-fighter. Sa kabutihang palad, marami-rami na rin akong kinompronta na kaibigan na ta binu-bully ako nun.
Backstabber. Ay, naku. Kaakibat niyan ang salitang "plastic." Yan yung mga tao na nakangiting-aso sa harapan mo, tapos tatapunan ka ng sari-saring panlalait, panunumbat, at kahit minsa'y pagbabanta pa kapag ika'y nakatalikod. Literal yan rin ang primerang halimbawa ng isang tsismosong nilalang. Kala mong pagkabait-bait e no? Tapos bibirahin ka ng mga bwakanangina pagkatalikod mo, o kahit sa sarili nilang Facebook post.
Tangina, bakit pa ba nag-eexist ang mga lokong 'to? Well, maliban pa sa mga binanggit sa artikulong yan ay mayroon pang mga gago dyan sa social network mo.
Yung mga tao na hinahanap ka. Tapos pa andyan ka, ieechapwera ka nila sa pamamagitan ng pag-uusap sa mga bagay na sila-sila lang ang nakakaintindi. Parang ikaw yung konyo sa magbabarkada tapos ang sinasalota ng mga to ay wika ng mga minion. Lakas mang-out of place 'di ba? Parang ipinaparamdam na hindi ka nag-eexist?
Bossy. Marami akong kakilalang ganito eh. Naku, eh paminsan-minsan pa naman ay ayaw na ayaw ko ang mga tao na ipapakukha sa akin na isa lang along inferior being . Similar ito sa mga bully-type. At hindi sila tulad ng mga taong ma-otoridad para sa akin.
Yung mga kaibigan mo na kinonompitensya ka. Healthy sana to kung walang personalan e. Kaso, may kuneksyon din ito sa mga plastic o backstabber. Sasabihin niya sa mga tropa niya kung gaano siya kainsecure sa isang kaibigan na tulad mo kung nauungusan mo siya sa top ten sa klase o sa karera para maging employee of the month.
Minsan, kailangan niyang ma-realize na hindi ikaw ang kinakalaban niya, kundi ang sarili niya.
Ito pa ang problema dyan: kapag tinapos mo na nang tuluyan ang pakikipagkaibigan mo sa kanila, e para silang mga gago na sa sobrang kabitteran sa buhay ay sa iyo n'ya ibabaling ang lahat ng kabadtripan sa buhay.
Sa tanang buhay ko, marami na akong naging kaibigan, at marami naman din akong brineak dyan (break? Parang syota lang e no?). Yung mga tao na hindi ka naman tatratuhin bilang isang kaibigan talaga? Hindi ka tutulungan sa oras ng kagipitan? Yung mga nilalang na "kaibigan" ka pag kaharap ang sisig at serbesa? Yung gagawin ka lang na "alalay" sa halip na "kasosyo" o "katuwang?" Hindi mo kailangan ang mga tulad nila. Huwag kang matakot na ilabas ang kulo mo at itapon ang baraha ng "friendship over" kung sa totoo lang ay ginagago ka lang naman nila.
Aanhin mo ang mga yan? Takaw-espasyo lang yan sa contacts, network of friends and followers, at sa kamalayan mo e. Aanhin mo naman ang sandamukal na kaibigan kung binaback-stab ka naman nila?
Friendly-post over!
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!