09/07/2013 12:40AM
Alam n'yo, bago taasan ang pasahe sa MRT at LRT, dapat may mga bagay na ma-improve sa kalidad ng mga serbisyo at pasilidad ng mga naturang line rail systems. Bagay na siguro ay aasahan ng mga commuter sa mga susunod na taon.
Ang inyong lingkod ay isa't kalahating dekada nang ginagamit ang transportasyon na ito, papunta man sa eskwelahan, galaan, sa bahay ng kaibigan, o pag nag-aapply ng trabaho. At sa mga nakalipas na taon, marami akong naobserbahan. Mga bagay siguro ba kailangan nang baguhin at ayusin. Malay mo, ang fare hike na ito ay makatulong, maliban pa sa katotohanan na malaking halaga ang binabayad pa ng pamahalaan bilang sibsidiya.
Narito ang ilang mga bagay na dapat pag-isipan ng mga nanunungkulan bago magpatupad ng increase sa pasahe ng LRT at MRT.
- Paganahin naman ang mga ticketing machine. Panalo sana sa advertisment slot e, kaso ang arte naman ng coin slot niya. Aba'y 'di tinatanggap ang mga bagong version ng piso. Actually, magmula sa taong 2009 ay hindi niya tinatanggap. Yung iba, exact fare only. Walang masama sana dun. E kaso, paano kapag nasaktuhan ka na bago ang piso mo, at kinulang ka ng luma para makapagbayad? Hassle na nga sa part mo, at pati na rin sa mga nakapila sunod sa iyo.
- Higpitan pa lalo ang seguridad. Lalo na sa line 3, kung pwede nga lang, lagyan na rin ng psychological check-up (pero joke lang siyempre. Ang OA naman pag nangyari yun no!) para hindi gawing suicide venue ng ilang depressed na nilalang ang mga istasyon ng tren. Magpapakamatay na nga lang, idadamay pa ang mga nagmamadaling commuter sa kalbaryong pinapasan nila. Oo, higpitan ang seguridad. Dahil sa MRT lang yata laganap ang pandurukot. Pero what if kung i-suggest din na ilagay sa kapakanan ng mga mananakay ang pagganti sa mga kawatan kung marami naman sa mga ito ay handang harangin ang mga loko-loko at pagtulungan? Baka kulang na lang ay balatan ng mga to nang buhay ang mahuhuling loko-loko? Kaso ito rin ang problema. Madaling mamintang. Maraming tao, kaya madali lang magtago at magpanggap para lang makatakas. Good luck!
- Pakihabaan naman yung mga bagong tren. Sa dami ng mga mananakay, di sasapat ang mga cable car ng MRT 3 at LRT 1. Ang diyahe kaya kung mas mahaba pa yung oras na ginugol mo sa pagpila kesa sa oras ng aktwal na pagbyahe mo. Minsan nga e, inabot ako ng halos 45 minutos kakahintay sa tren na masakyan. Bakit ganun? E ang haba ng pila e. Naka-ilang "next train na lang po" ang pagsigaw ng sekyung naka-megaphone bago ako naka-board. Nang dahil sa mala-rasyon ng NFA rice na pila at na-late tuloy ako sa interview ko. Oo, kahit 40 minutes ahead of time ako noong narating ko na ang platform.
- Paki-ayos yung pila at mga bukas na ticket-teller. May kauganayan ito sa #1. Dahil kung di gumagana ng matino ang mga ticketing machine ay sa mga ticketing office nakapila ang mga tao. Walang masama dun. Kaso ang problema kasi ay ang mga pasaherong naglalaro ng tanga-tangahan e. Parang yung mga taong nakapila sa "exact fare only" lane kahit na hindi naman eksaktong pamasahe ang ibabayad sa teller. Tapos kung masaktuhan na istrikto ang naturang teller, e may gana pang magalit ang mga commuter. Hoy, alam kong "the customer is always right," pero huwag namang pairalin ang baluktot na lohika kung mali ka in the first place. Isip-isip din pag may time.
- Paki-ayos yung istasyon mismo. Alam mo, sa tanang buhay na pakikipagsaparan ko sa mga istasyon ng tren, parang MRT 3 ang pinakahindi ganun kakomportable na lugar. Sa Taft, grabe ang traffic ng tao. May kuneksyon na 'to sa naunang suhestiyon (#4). Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapanain nito o ano, pero bakit na lang palagi na sa Cubao ko nararamdaman ang impyerno. As in yung temperatura ng lugar ay ganun na lang kainit. Isang minuto ka lang nakatayo sa pila, at mamaya niyan ay tumatagatak na ang pawis mo. Mukhang dito ko yata nakuha ang sakit ko paminsan-minsan ah. Pero kunsabagay, mas maraming tao ang nasa loob ng mga istasyon pagdating ng mga rush hour sa hapon at gabi. Kaya madalas nung nasa huling araw ako ng pagiging estudyante ay sa last trip na akog sumasakay kesa sumabay sa haba ng pila. Nakakainip maghintay e.
- At ito ang panghuli - since nadadalas ang pag-antala ng mga operasyon ay siguro dapat ring dalasan ang pag-check sa mga riles nito. Hindi yung kung kailan may sira ang isang bagay ay doon lang sila aaksyon.
Ayun lang naman. Malabo nang i-extend ang oras ng operasyon nila e. At masarap kayang sumakay ng jeep sa mga oras na sarado na ang mga tren.
Sa tingin ko, kung mangyayari man ito, baka abutin pa ng ilang taon. Mahirap din kasi ang nagbitaw ng panawagan kung alam mo rin naman ang miserableng sitwasyon ng mga transportasyong sinasakyan mo. Buti nga may nagagamit pa tayo na magandang alternatino kesa sa wala e.
Pero ang mga yan ay suhestiyon lamang. Huwag masyadong seryosohin. Baka tumanda ka lalo niyan. Sige ka, ikaw din.
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!