Last week, dalawang bugbugan sa hardcourt ang naganap.
Una, ang komprontasyon sa pagitan ng isang fan ng La Salle at ang coach ng Ateneo Blue Eagles. Nakaeskapo ang La Salle sa 66-64 resulta sa huling pagtitipon ng magkaribal noong nakaraang linggosa Araneta Coliseum.
Aniya, nag-taunt diumano ng isang fan ng Green Archers na kinilalalng si JJ Atayde ang papuntang Ateneo Blue Eagles Head Coach na si Bo Perasol. Sinugod ng naturang coach ang nang-aasar na fan, kahit inaawat na siya ng mga tao.
Well, yan ang problema sa pagiging fanboy. Sumusobra pa minsan-minsan. Delikarldo rin yan. Tignan mo yung nangyari sabi sa isa ring malamdong fanboy na inaway ni Winnie Arboleda noong 2009.
Suspendido ng isang laro ang head coach. Habang yung nakilalang fan na "heckler" ni Perasol ay suspendido sa panunood ng UAAP sa naturang venue sa nalalbaing bahagi ng season na ito.
At sa professional basketball naman ay may serye ng matitinding alterkasyon ang naganap sa labanang San Mig Coffee at Globalport. Naganap ito sa 8:11 mark ng 3rd quarter. At ang mga sangkot na personalidad ay sina Marc Pingris, Joe Devance at Marcus Blakely ng San Mig Coffee; at Kelly Nabong at Marvin Hayes ng Globalport.
Yan ay matapos ang serye ng mga pisikal na laro sa pagitan ng dalawang koponan at mangilan-ngilang play na hindi natatawagan ng referee kahit matindi na ang physical contact dito. Bagay naman na nakikitang dahilan ng nanalong coach na si Tim Cone.
Nagsimula sa double foul sa pagitan ni Hayes at Blakely, sinugod naman ito nila Devance, Nabong at Pingris hanggang sa nauwi sa rambulan ang dalawang manlalaro na sila Pingris at Nabong. Pareho silang naeject sa court habang tinawagan naman ng technical foul ang ilan sa mga nasangkot.
At 'di lang yan, dahil matapos ang pakikipag-konperensya ng mga sangkot sa commissioner ng liga na si Chito Salud, ay sari-saring multa at suspensyon ang ipinataw sa kanila. Partikular na ang mga 2-game ban kila Pingris at Nabong, bagamat nagkapatawaran na sa isa't isa ang dalawa. 1-game suspension naman kay Devance. Hindi rin nakaligtas sa multa si Hayes.
Tama lang din ang pagpataw ng parusa. Sa totoo lang, wala rin magawa ang mga manlalaro at kahit ang mga tagasubaybay kung obvious na ang foul pero hindi punipito ang referee ng laban. Yan ang kadalasang ugat ng mga alterkasyon - ang physicality ng laro. Natural na ito dahil physical sport ang basketball - marami talagang magaganap na physical contact.
Ganyan talaga ang basketball.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!