9/4/2013
5:09:00 PM
7.8 million pesos para sa ating national flagpole. Tama. Nagkakahalaga ng tumataginting na pito-punto-walong milyong piso.
Overpriced nga bang maituring 'to?
Teka, ano bang meron sa flagpole na ito kung sakaling maisakatuparan? Tataas lang naman ito mula sa kasalukuyang 30 metro (105 talampakan) ay magiging 150 talampakan na ito (o katumbas na 52 metro).
Teka, ano bang meron sa flagpole na ito kung sakaling maisakatuparan? Tataas lang naman ito mula sa kasalukuyang 30 metro (105 talampakan) ay magiging 150 talampakan na ito (o katumbas na 52 metro).
Oo, magiging mataas yan lalo, samahan mo pa ng malaking watawat na gagamitin. Sing-taas ba ng morale natin bilang isang Pilipino 'to? Maaari.
Pero kung mga opisyales ng simbahan, ilang personalidad mula sa industriya ng engineering, at mga netizens na naging maingay lalo dala ng mga naunang usapin tulad ng pork barrel scam, ay tumaas lang ang mga kilay nila sa isyung ito. Over -priced nga ba 'to?
E ii-import pa kasi ang itatayong flagpole mula China. Teka, puwede naman yung gawang Pinoy dyan ah.
Mechanized ba rin daw ang bagong flagpole. Moderno ba.
Mataas ang halagang kailangan ng Department of Public Works and Highways lalo na sa pundasyon nito para manatiling matibay at matatag.
O tapos, ano na? Mananarili pa rin bang matatag sa taas lipad ng nga argumento rito? Sabagay, pera kasi natin ang ipanggagastos d'yan e.
Siguro, kung magiging maganda naman ang proyekto at maipapakita ng flagpole na ito ang tunay na halaga nito, baka okay pa ang proyektong ito. Dahil sagisag natin ang sasalaminan ng national flagpole na yan.
Ganun sana. Kung marunong lang magpahalaga ang ilang opisyales ng pamahalaan sa inambag ng mga mamamayan, at hindi sa pamamagitan mg pagmanipula sa kung anu-anong kadahilanan lang.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!