23 September 2013

Just My Opinion: Subway In Manila?

9/19/2013 10:18:48 PM

Isa sa susi sa pag-unlad ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng isang solidong mass transport system. Tulad na lamang ng mga tren, bagay na makikita na lamang sa gitna’t ibabang bahagi ng hilagang Pilipinas.
Magandang pag-usapan ang proposal na ito. Makatutulong nga ba ang pagkakaroon ng subway sa Kamaynilaan? (Ops, hindi yung brand ng pagkain ha?)


Ayon kay Transportation secretary Joseph Emilio Abaya ay handa na raw ang Metro Manila sa pagkakaroon ng isang subway . Sa kasalukuyan naman ay nagsasagawa ng isang feasibility study ang Japan International Cooperation Agency o JICA ukol rito. Tinatayang matatapos  ang naturang pag-aaral sa loob ng apat hanggang anim na buwan, ayon sa ulat sa Rappler.

At kung magkakaroon nga tayo nito ay sa EDSA raw ito posibleng maitayo. May mga ulat rin na sa mga kahabaan ng Commonwealth Avenue at sa C5 ito maiestablish, kung tama ang pagkarinig ko sa mga balita.
Hmmm, mukhang magadang balita ‘to pag nangyari. Pero, kaso, subalit at datapwat... parang wrong timing na yata. As in late na.

Kaso, kung kelan naman napaka-crowded ang Metro Manila, saka lang naisip ‘to? Kasi kung sakali man na mangyari ang pag-konstrukta nito sa 2016 ay sa malamang, mas mabigat na trapiko ito. Kung ang iba ngang motorista nga ay ‘di na kaya ang magpasensya pa sa gitna ng traffic, naku... yun lang.

Mas maganda siguro kung noong nadedevelop pa lang ang mga lupain sa kalakhang Maynila ay ginawa na ito. Noong panahon na wala pang naglalakihang mga gusali na sa malamang ay nakamkam na ang lupa bilang pundasyon nito. Noon kung sana ay natuto-tuto na tayo sa mga bagay na tulad na lamang ng zoning at urban planning (pero sabagay, sino ba ang may pakealam sa mga ganitong bagay in the first place? Unless kung isa kang personalidad sa mga nabanggit na larangan).

At mukhang matibay naman ito. I mean mananatiling matatag sa panahon ng kalamidad. Yun nga lang, kailangan din ng matinding pagbusisi sa pagsasaayon ng mga daluyan ng tubig nito, considering na nagiging waterworld ang ilang mga lungsod pag tinatamaan ito ng matinding buhos ng ulan pa lamang.

Pero para maibsan ang daloy ng trapiko? Hmmm, depende kung tutuusin. E kung sinlaki lang naman yan ng mga nasa MRT3 o LRT1 ang mga tren... ay duda pa rin ako na kaya nitong maibsan ang trapiko. Oo, malao pa rin mangyari yun. Kasi ganito lang naman ang posibleng senaryo: marami ngang sasakay. Tapos ang mga maiinip na di kayang tiisin ang mahahabang pila na mas nanaisin pang sumakay ng bus. At sa panahon na ‘yun, malamang ay masa dadami pa ang mga magmamaneho ng sariling sasakayan at hindi tatangkilik sa public transport (ke sa maraming loko-loko man, bulok ang sistema o kung ano pang kahibangan sa paniniwala nila).

E di parehong senaryo lang na nagaganap sa EDSA ‘to kung tutuusin.

Kung goal ng MMDA na mahikayat ang mga tao na tangkilin ang mass transport sa halip na magmaneho, e di dapat ay (una) gawin ang bawat lugar na secured at ligtas mula sa mga masasamang elemento; (pangalawa) gawing kaaya-aya ang mga pasilidad tulad ng bus stop; at (pangatlo) disiplinahin ang dapat disiplinahin na nakahambalang sa mga lansangan.

Magandang bagay to pag nangyari. Pero hindi garantiya na mangyayari din ang mga solusyon na pino-project ng mga ‘to. Maiibsan ang traffic? Luluwag ang kalsada? Maraming tatangkilik sa mass transport? Well, we’ll never know.      

Sources:


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.