20 September 2013

Malanding Fanboy Problems

7/30/2013 4:11:52 PM

Natural na sa atin ang may hinahangaan. Ke ito man ay kilalang perosnalidad man o hindi sa alinmang bagay tulad ng sining, entertainment, musika, pamamahayag, pulitika, palakasan o sports, at sa kung saan-saan pa.

Pero tama rin ang nabasa ko minsan sa isang Facebook post noon: You have to smash idols before they smash you. Ibig sabihin, oks lang na may idolohin ka. Pero hindi maari na sa lahat ng oras ay tila sasambahin mo na siya. Masamang bagay ang tinatawag na idolatry. Parang resulta ito ng sobra-sobrang obsession sa isang bagay na hinahangaan mo.

Sa pagmamasid ng inyong lingkod, marami akong nakikita na sobrang “fan.” Yung tipo na parang ganito ang mga habit nila.



Punuin ang katawan nila ng kung anu-anong paraphernalia. Okay sana e, lalo na kung pormahan ang usapan. Magpabody paint ka para pagpapakita ng supporta sa isang laro, given. Magpatatoo ka dahil sa nanalo ang iyong idolo sa championship, okay lang yan. Kaso, pag lumabis ka, hindi maganda ang kahihinatnan.

Sa sobrang pagiging fan nila, ipinangalan ang kanyang alaga o anak sa kanyang iniidolo. Walang masama sa ganito, actually. Basta magandang pakinggan sa tenga ng mga kasama mo rin.

At huwag nga lang ang ganito: magpangalan ka ng Kobe o LeBron sa anak mo na babae; at pangalanan ang iyong anak na lalake bilang the UNDERTAKER o Mark 42. ‘Tol, tao yan. Ayus-ayusin mo naman ang pagbibinyag mo sa kanya. Sa iyo nakasalalay ang kapalaran niyan base sa ibibigay mong pagkakakilanlan.

Pag nakaharap ng idiolo nila ang kanilang kalaban, walang habas na mang-babash. Parang ganito: noong NBA Finals, marami akong nakikita na mga hate remarks sa team na Miami Heat dahil Spurs fan sila. At ganun din naman sa parte ng mga tagahanga ng HEAT.

I.E. “Go HEAT! Spurs, mag-retire na kayo! ang tatanda n’yo na!”
“Sige SPURS, tambakan n’yo na yang MIAMI na yan! Nang makita natin na magngawa ulit si LeBron!’

Teka, ‘di ba pwedeng suportahan niyo na lang ang mga manok n’yo?  Para kayong mga tanga niyan e. Mantakin n’yo, kaya ang daming nag-aaway-away sa mga posts sa Facebook noong kasagsagan ng NBA Finals dahil sa pagiging over-passionated fanboy ng mga siraulong ‘to.

‘Pag natalo ang manok nila, sila pa ang hindi makaget-over. Hoy, sports ang pinapanood n’yo ‘di ba? Yung mga iniidolo n’yo, bati na sila ng mga kaaway nila, dahil sport sila. E kayo na nakikinood at nakikihanga lang, daig nyo pa ang mag-syotang kakabreak lang ha? Mga hindi makagetover ampucha.

Okay sana, dahil dito nahahasa ang analytical thinking capacity ng mga tao. Kaso, ang labis-labis na pag-iisip ay nakasasama. Maliban pa sa nagiging out-of-date na ang datingan, e para ka pang maghahanap ng gulo niyan.

Tignan mo yung nangyari kay Pacquiao at Marquez noong November 2011. Maraming umangal na talo dapat si Paquiao at hindi matanggap ang teknikal na aspeto ng desisyon nun. Halos lahat sila, naging instant sports analyst, kahit hangin lang ang alam at ang pinagsasabi nila. At mula sa mainit-init na debate ay nauwi sa personalan ang pinag-aawyan nila. Parang ganito:

“Bobo mo Anding! Tignan mo ngang lutong luto yung laban e. dapat olats si Pacquiao dun!”
“Siraulo ka ba? Mas bobo ka Edward. Ang alam mo lang ay manood,  pinag-aaraln din nila ang desisyon ukol dyan no!”
“O, bobo ako? Tara sapakan na lang oh!”

Hay, naku. Ang sarap lang paguntogin ang mga ulo ng mga ‘to e.

Mabuti pa yung mga fans ng Ateneo saka La Salle e. Pagkatapos ng laro, tropa-tropa ulit sila, tulad noong minsa’y nanood ako ng laban nila sa Mall of Asia Arena. May pinag-aralan naman sila. Ganun din ang mga fan ng mga UAAP, NCAA, football (though alam ko na ams passionated ang mga ‘to sa ibang bansa) saka ibang sports. (Well, exception lang sa kaganapan noong huli nilang pagtutuos noong nakaraang linggo ha?)

Yan ang patunay na ang sobrang paghanga ay nakasasama sa ating ugnyan at pati na rin sa ating kalusugan.

Author: slickmaster | © 2013 septmber twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.