9/4/2013
7:26:02 PM
“Balitang-balita
sa radyong sira! Nahuli na si Janet-Napoles!” (switches dial)
“Mainit-init
na balita! Nailipat na sa Fort Sto. Domingo si Janet Lim-Napoles!” (switches
dial again)
“Bagong-bagong
balita! Si Janet-Lium Napoles, nagkasakit!” (turned off my radio)
(Sabay lumabas
ng bahay at lingon sa paligid)
“Uy, balita
raw na si Napoles ay blah, blah, blah...”
Okay. Nahuli
siya. Nailipat ng kulungan, at nagkasakit. At sa kalagitnaan ng mga nabanggit
na pangyayari ay kaliwa’t kanang press conference at super duper media coverage.
Okay. Ayos sana
eh. At least natututukan ng kahit papaano ang mga kaganapan sa pork barrel
scam. Kaso parang sumobra naman yata tayo. Ano ba s’ya? Very important
prisoner? Hindi ba dapat ay mas pinapansin natin ang mga ebidensya at
whistleblower?
Hindi tuloy
kataka-taka kung bakit umaangal ang mnarami ng “special treatment.” Kahit ilang
beses pang kontrahin ito ni DILG secretary Mar Roxas. Maalala ko nga e, habang
nakikinig ako sa programa ni BITAG sa radyo, may nagtawag pa dito ng “Ma’am” ng
isa sa mga opisyal ng gobyerno.
Ano kamo? “Ma’am?”
Teka nga, prisoner s’ya, ‘di ba? Wala namang gaguhan, please?
E pagbigay
respeto lang yan. Oo, pero puwede naman siguro ang Misis Napoles, ‘di ba? Napaghahalataan
kasi e. Nagmumukha pa tuloy na spokesperson ni Napoles ang mga ‘to na dapat e
nasa sapatos na dapat ng kanyang abugado ang papel na ‘yun.
Kaya masisisi
mo ba ang mga komentarista sa radyo at mga netziens, partikular na ng mga
blogger na urat na urat sa super duper blow-by-blow account sa mga kaganapan
kay Janet Lim-Napoles?
Nakulong na
siya. Given. Nagkasakit na siya. Given. Pero baka naman mga simpleng gawain pa
ni JLN e gagawin n’yo pang national item. Na parang ganito:
“JLN,
binisita ng kanyang mga abogado. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila?!”
O ‘di naman
kaya ay...
“Janet
Napoles, lumabas ng detention cell niya! Para magpahangin!”
As in
simpleng gawain lang, ginagawang big deal. Hindi pa ba enough na nilagyan ng
CCTV ang bahay niya.
At please? Sa gobyerno
naman, huwag niyo naman kaming gawing tanga. Alam naman namin ang special
treatment sa hindi .Yung iba nga d’yan, may banta rin sa buhay pero ‘di
napapapanin ng mga awtoridad.
Maawa nga
kayo sa sarili niyong pakulo na sarswela at moro-moro!
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!