Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 September 2013

Pwera Pera

09062013 | 0621PM

Pork barrel lang pala ang katapat n'yo e. Akala ko naman sa mga kontrobersiya sa showbiz lang ang specialty ng awareness n'yo. Kadalasan kasi ay sa mga ganung bagay lang nakikialam ang publiko, kaya wag mo masyadong asahan ang mga ito pagdating sa newscasts. Maliban siyempre, sa panahon (pag may bagyo), at laro sa sports kung saa'y nakasalalay ang ating national "pride."

Well, good sign na maituturing. Pero good nga ba?

Ano bang meron sa pork barrel at bakit ganun na lamang kataas ang interes ng publiko sa usapin ng pork barrel scam?

Pera. Oo, pera nga.

Nyai! Pera lang?



Oo nga. Pero huwag mong ila-lang ang pera na 'yan. Ang hirap kayang kumita ng pera, no? Ang pork barrel sa ating modernong lengwahe ay naglalaman ng buwis. At ang buwis ay ang binabayaran natin bilang isa sa mga obligasyon natin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.

Ngayon alam mo na kung bakit nag-aalburoto ang mga tao sa paksang ito. Kahit naman ang inyong lingkod at dismayado rin eh. Ang laki-laking kaltas ng buwis sa sahod ko tapos kakamkamin lang ng mga bwakananginang gahamang pulitiko at negosyante? Imbes na sana ay parte ng ipon ko ang perang yan. Ilang extra rice din yan para sa akin.

Pero, dahil sa "pera," saka lang tayo makikialam? Iba talaga nagagawa ng pera, no? Tignan mo tuloy, nagsilabasan ang mga mukhang pera. Hindi tuloy matukoy yung mga seryosong pakialamero sa mga nakikiuso lang.

At bakit ganun na lang ang alburoto namin? Dahil taxpayer kami. At dahil nagbabayad kami ng buwis, may karapatan kaming umangal. Oo, and I'll quote Lourd De Veyra for that.

Pero seryoso, pwera pera, pwera pork barrel, may pakialam ka ba talaga sa mga nangyayari sa ating lipunan?

Oo, maliban ba sa pork barrel. Yan ang tanong!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!