9/14/2013
9:03:52 PM
Maraming nakikibaka
sa isang labanan na walang garantiyang tiyansa na manalo. Tila isang sabong ang
isang labanang nagaganap. Isang sugal na tila bihira lang sa bilang ang mga uuwing
kumpleto at nasa katinuan.
May kasabihan.
“No one wins in an argument.” Tama, wala naman talagang nananalo sa isang pagtatalo
(kaya nga pagta-talo ‘di ba?). Eh kung sa simpleng verbal na usapan ay walang
nagpapatalo, e what more pa kaya sa isang digmaan? Hindi kaya na ang lohikang
ito ay ang siyang dahilan kung bakit nagaganap ang isang malagim na insidente
na kung tawagin ay “digmaan” o “giyera?”
Ayos sana. Kaso
marami kasi ang naapektuhan e. Maraming walang kamalay-malay sa buhay ang
madadamay, magiging kalasag ng mga naglalabang rebelde.
Ilang buhay
pa kaya ang kikitilan ng tingga at pulbura? Ilang imprastraktura pa ba ang madudurog
at lalamunin ng apoy hanggang maging uling at abo ang mga ito? Ilang balita pa
ba ang sasapat para sabihin na ng mga tagapagtangkilik na “tama na?”
May nananalo
ba talaga sa isang giyera? Eh pustahan, sa kalaunan ay mauuwi lamang ito sa
isang pakikipagsundo di ba? Oo, pero mas okay na yun kesa magpatuloy pa ang
karahasang nagaganap. Sa lumilipas na araw na ang tanging naririnig ng iyong
tenga ay bala sa halip na musika, mas nakakatakot. Baka nga sa iba ay tila
katapusan na ng mundo ang nararamdaman, at hindi mo masisis ang kanilang
kapranigan pag nagkataon. Ikaw kaya ang makaranas na nasa gitna ka ng giyera,
regardless kung alinman sa mga partido ka masangkot.
Sa totoo
lang, walang nananalo sa isang digmaan. Lahat tayo ay talo sa sugal na ito. Lahat
tayo ay biktima. May makaliligtas man, may masisira pa rin sa kanya – sugat man
ito o trauma.
Oo, lahat
tayo ay talo. Uuwing bigo ang lahat – may uuwi na may benda sa katawan; may
uuwi sa kanila na tila tinamaan na nang pagkasinto-sinto; may ilan naman na
uuwian ang seldang may malamig na rehas; may uuwi naman na magiging laman ng
balita at magiging bukambibig ng mga tsismoso; at ang pinakamasaklap – may uuwi
sa kanilang huling hantungan at nakapaloob sa isang ataul.
Oo, lahat
tayo ay talo sa isang sabong na kung tawagin ay “giyera.” Kaya dapat, ititgil
na natin ang putukan.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!