21 September 2013

Santo Papa: "Tama Na Yan!"


9/21/2013 2:24:20 PM

Sinasabi ng Santo papa na si Pope Francis na dapat ay tigil-tigilan na ng Simbahang Katolika ang pagiging “obsessed” diumano nito sa mga bagay-bagay na taliwas sa paniniwala na tulad na lamang ng mga nasa third sex, ang abortion at contraceptives. Ipinahayag rin kasi niya na ang Simbahan ay nakatali pa rin sa maliit at maikitid nitong mundo at hindi na dapat i-condemn pa. 


Kunsabagay, napapansin ko rin kasi na tila taliwas na sa dapat na paniniwala ang mga ginagawa ng mga nasa ibaba ng relihiyong ito. Mas nanaig ang konserbatibo, mas sarado ang isipan. Tila hindi nagbabago kahit nagbabago na ang panahon at maraming pagbabago ang nagaganap sa mga bagay-bagay na ginagalawan.

Siguro, kung papaniwalaan ang mga ulat sa pahayag niya, hindi kasi malinaw ang linya kung saan ang dapat ang tungkulin ng mga pari. Kunsabagay, kung ikaw naman ay nasa upuan ng kaparian, medyop mahirap nga. Pero napapansin ko nga rin kasi na ang ilan ay hinahaluan ng kulay-pulitika ang mga sermon. Subjektibo na rin ang kani-kanilang teachings, bagay na ibang-iba sa objektibong pamamaraan. At… teka, ‘di ba may “separation of church and state” sa ating pamantayan ng mga batas?

E bakit ang ilan sa kanila, sumusuway sa alintuntunin na ito? Naalala ko ang katiting na konbersasyon namin ng isa sa mga kapwa blogger ko sa Definitely Filipino last year, na sa tingin n’ya ay umaangal lang naman ang Simbahan kung nasasagasaan na ng estado ang moralidad na aspeto ng pamumuhay ng tao.

Sabagay, sila rin kasi ang may pakana ng tinatawag na “civil obedience.” Hindi rin sila nagbabayad ng buwis. Sabagay, kung papansinin din ang pananaw sa death penalty, sila mismo ang kumokontra sa panukalang ibalik ito. Siguro, ayon sa kanila, nagkakamali rin lang ang tao at masyadong brutal naman ito para isukli bilang parusa sa kanilang nagawa?

Sa totoo lang, almost agree ako sa mga pinunto ng mga pahayag niya. Pero sa abortion ay case-to-case basis nga lang ang magiging pananaw ko. I mean depende na yan sa sitwasyon kung dapat bang ipalaganap ang aborsyon o mali. Sa ibang isyu na tulad ng pagkondena sa mga bading? Tingin ko, tama lang ang ginawa ng Santo Papa. Tao pa rin naman sila, at kahit sabihin pa natin na dalawa lang naman ang kinikilalang gender ng mundo, e kaso hindi naman sila gumagawa ng mga bagay na nakalalabag sa batas ng tao e.

At kung malaliman ang usapan ay alam ko, na gusting tulungan ng Santo Papa ang mga tila nawawala sa tamang landas na magbalik-loob at hanapin ang kapayapaan sa piling ng Panginoon. At hindi ito madadaan sa mga pamamaraan na tila maglalarawan ng tahasan nilang paghusga sa tao. Take note, ayaw din ng Diyos ang manghusga (pero ironically ay ginagawa ng illan sa kaparian yan, at siyempre ay iba naman ang sasabhin nila ukol dun).

Siguro sa pahayag na ito ng Santo Papa ay matatauhan naman ang ilang mga tao sa kanilang adbokasiya sa buhay. At sa kanya ko naaalala ang mga salitang napakaloob sa paniniwala ng isang Santo na datying Santo Papa na si Pope John Paul II.

Sources:

author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.