Gaano katindi ba ang kapangyarihan ng social media? Napakatindi lang. Sa isang simpleng post kasi, kaya nitong pasikatin ang isang tao o kaya rin nitong yurakan reputasyon nito. Make or break ba.
Sa uspain ng kilos-protesta, may mangilan-ngilang aktibidad na rin na nagsimula sa mga social networking sites. Halimbawa na lang nito ang rebolusyonaryong kilos sa Egypt na pinamunuan ng isa sa mga marketing executive ng Google.
Dito sa Pilipinas, naganap na rin ang malaking pag-aklas, ang tinatawag na million people march noong Agosto 26. Saktong pagdiriwang para sa mga araw ng mga bayani. Bagamat reality speaking ay tinatayang nasa 300 libong katao ang nakiisa sa Quirino Grandstand (at pati na rin sa iba't ibang lugar) sa pakikibasa laban sa pork barrel. At wala silang mga "organizers." Saan nagsimula ito? Sa isang simpleng Facebook post lang naman, na kumalat at kumalat sa iba't ibang sektor ng mga user.
Pero sa totoo lang, kaya ba nitong higitan ang mga pag-aaklas noong mga nakalaipas na dekada sa mga bansang tulad natin dito sa Pilipinas at pati na sa Czech Republic at sa kung saan-saan pa? Unfair yan para ikumpara sa isa't isa. Dahil obviously, magkaibang-magkaiba ang isitlo ng pamuymuhay at pakikibaka ng mga tao noon at mapa-hanggang ngayon.
Sa darating nga na sa Sept. 11, may gagaganapin na EDSA Ngayon, isang malakihang rally na may kinalaman pa rin sa anomalya sa pork barrel. Sinunadan lamamng nito ang naganap na kilos protesta noong Araw ng mga Bayani. Pang-ilang reboulsyonaryong kilos na ba ito mula noong unang nakibaka ang karamihan sa naturang kalsada noong Pebrero 1986?
Ayos, 'di ba? At least ang mga ito ay ginagamit sa katinuan ang kanilang ipinaglababan.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!