Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 September 2013

Tirada Ni Slick Master (Birthday Edition)

9/27/2013 8:26:13 PM

Sa isang eskinita dyan lang naman sa tabi-tabi. Kanina.

Friends ko: Oy, birthday mo na ah!

Ako: OO. E ANO NAMAN NGAYON? 

F: Magblow-out ka naman! (BLOWOUT, BLOWOPUT, BLOWOUT) 

A: (sabay hinipan ng upos ng sigarilyo nila papunta sa mukha nila) O, ayan. Ano, blow-out pa? (sabay tiger look sa mga mokong at walang pakialam kung maasumbatan ng “suplado.” Kulang na lang ay aambaan ko ng suntok ang mga gago eh.)

Suplado ba? Mukha lang.

Ito ang realidad ng buhay, mapanoon man, o ngayon. Sa tatlong araw ka lang maalala ng halos lahat ng taong nakakakilala sa iyo. Yan ay kung (una) sumapit na ang birthday mo, (pangalawa) kapag namatay ka, at (ikatlo) pag may nagawa kang isang malaking bagay – ke mabuti man ito o masama (basta, kontrobersyal).
Pero focus tayo sa una. Oo, ang birthday. Ano bang meron sa “birthday?” ito ang pinaka-espesyal na arwaw sa iyong buhay. Kung ang 364 (o 365 kung leap year) na araw ay nagdala sa iyo ng nuknukan na mga di kanais-nais na pangyayari (naku, saklap naman nyan)m, e sigurado naman ako na may kaisa-isang araw na para lamang sa iyo – yan yun mismo.

Kaso maraming bagay nga lang ang nakakalulungkot isipin pag birthday mo. Dahil nga, madalas ay ditto ka lang naalala ng mga taong nakasalamuha mo. Ito pa ang mas masaklap dyan – pag birthday mo, ito ang laging hinihirit: “blowout naman d’yan!”

Pag birthday mo, saka lang sila babati sa iyo. Doon mo lang mapapansin na napupuno nap ala ang inbox mo sa kada birthday greeting. Ganun din ang laman ng iyong Facebook account na apaw-apaw na ang wall post nila sa iyong timeline profile (unless hindi mo ito dinisplay sa about tab ng profile mo mismo). Ganun din pag nakita ka nila in person sabay hirit ng “libre naman dyan!” Pag tinanggihan mo, bibirahin ka pa ng “ano ba ‘yan! Damot!”

Sa madaling sabi, d’yan sila nagiging mabait, na akala mong maamo pa sa tuypa ang istura nila at samahan pa ng naglalakihang mata na akala mo ay si Agnes ng Depsicable Me. Pero pag ibang araw, para kang ineechepwera ng mga ito. Parang hindi ka nag-eexist sa universe. Lagi kang binubully. Palagi kang inaalipusta, nagiging subject sa asaran at backstabban.

Aba, bastusan na ba ‘to?

Kaya sa totoo lang, mas okay pang umabsent sa klase o pasok sa trabaho, o kahit sa bahay na rin; at pumunta sa lugar na ikaw lang ang makakapansin sa sarili mo at doon ka lang magdidiwang. Masayado bang madamot? Masyado bang makasarili?

Hindi, tanga ka lang talaga. Dahil kung ikaw yung tipo na papansin lang ang tao pag sumapit na ang kalendaryo sa espesyal na araw niya at doon ka lang magpaparamdam at pasimpleng  hihirit ng pakimkim mula sa kanya, pucha, kapal naman ng mukha mo ‘oy. Mahiya ka din naman pag may time.

Dahil ang tunay na kaibigan, kaibigan ka talaga sa tanang panahon, hindi yung saka ka lang maalala kapag petsa na ng iyong pagsilang.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!