09092013 | 1118AM
Teka, pasadahan natin ang isyung ito kahit nasapawan na ng siege sa Zamboanga. Oo, kahit maikling pasada lang, tol.
Anyare na nga ba sa hatol sa babaeng ito? Pero isa sa mga anggulong pinansin ng ilang personalidad ay ang tinatawag na "trial by publicity."
May sumisigaw ng "trial by publicity." Sino? Yung kampo niya, siyempre. Pero sa totoo lang, meron nga ba?
Actually maaring mayroon ngang trial by publicity na nagaganap. At usong-uso yan sa totoo lang. Sa advent ng social media ay mas lumaganap na at patuloy pa ring lumalaganap ng husto ang tinatawag na "public opinion." Bakit ganun? Natural, dahil nasa isang malayang lipunan tayo. Isang demokratikong lipunan na kung saan ay lahat ay may karapatang magsalita. Lahat ay may say, may karapatang magbato ng opinyon, at kahit pa nga ang sariling "hatol."
Yun nga lang, ang problema lang siguro sa trial by publicity na yan ay isa itong mass version ng "paglagay ng hustisya sa sariling mga kamay." May maghahatol dyan. At may pagkasadista pa ang pamamaraan.
Bakit kanyo? Ewan ko, baka naman... hindi na naniniwala sa due process. Sabagay, uso ba talaga yun in the first place? Sa totoo lang, para sa publiko, ang mga nakita nila ay sapat na para sila ay mahatulan. Hindi na kailangan pa ng karagdagang ebidensya, dahil sila na mismo ang gagawa niyan kung hindi kaya ng sistema ng ating huridikatura. Kaya wala na ring saysay ang mga kataganang "Ang mga ipinakilalang akusado ay mananatiling inosente hanggang mapatunayan ang kanilag pagkakasala sa hukuman."
At nakkikita dito ang tinatawag na conspiracy, o ang akto ng pinagkakaisahan ng maraming tao ag nag-iisang "isinasakdal."
Sa kasagsagan ng isyu laban sa pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles, may nagaganap bang trial by publicity. Oo, at masisisi mo ba sila? Na diskumpyado sa takbo ng hustisya at kinahihinatnan ng kanilang pagbayad ng buwis?
Sige nga! Masisisi mo ba kami?
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!