Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 September 2013

Trip Lang?



9/21/2013 3:06:21 PM

Habang nirere-update ang post na ito ay 5 sa 6 na suspek ang hawak na ng awtoridad. Ang mga pangalan ng mga aksuado, maliban kay Sameul Decimo ay Jorek Evangelista (na sumuko sa pamamagitan ng kanyang ama sa Cabanatuan City),  Jomar Pepito (na sinamahan ng kanyang lola at magulang bago ito isuko kay Cavite Governor Juanito Remulla), Lloyd Benedict Enriquez, at Reggie Diel. At large naman ang nagngangalang Baser Minalang.

Isa sa mga kagimbal-gimbal na balitang umalingawngaw noong mga nakaraang linggo ay ang pagpaslang sa isang advertisement executive na si Kristelle Kae Davantes. Alas-6 ng umaga noong Setyembre 7 ay natagpuan ang kanyang bangkay sa ilalim ng isang tulay sa lalawigan ng Cavite. Nakagapos ang kanyang katawan gamit ang seatbelt ng kanyang sasakyan, pinasakan ng panyo ang kanyang bunganga, at tinatad ng saksak ang kanyang leeg.


Natagpuan naman ang kanyang sasakyan, isang linggo matapos mangyari ang karumadal-dumal na kriman. Tila tinangka pa umano na sunugin ang naturang sasakyan para walang matirang ebidensya. Tila may galit ba ang motibo sa krimen? Possible, naisantabi ang anggulong carnapping sa pagkakataong yun. 

Umani ito ng matinding airtime sa balita, at ang sinumang may alam sa mga perpetrator ng naturang slay case ay may reward na 2.5 milyong piso. Binuo rin ang isang task force group para sa ikalulutas ng krimen.
Subalit noong nasakote ng awtoridad ang isa sa mga suspek nito na si Samuel Decimo ay kinanta nito ang pakay ng kanyang grupo sa pinaslang na advertising executive.

“Napagtripan lang namin siya.” 

Teka, parang ang sakit naman ng pangti-trip na yan. Carnap lang ang pakay, pero pati yung nagmamaneho, pinatay? Namumukhaan raw kasi sila matapos ang pag-nakaw sa kanyang sasakayn. Kaya nila tinuluyan ang pangti-trip nila. Sa totoo lang, nakakatawa man ang sinabing yan ng suspek e pustahan, may gana pa silang matuwa ukol rito. As in pang-aasar lang.

E kung pagtripan kaya ng mga taong naulila ni Kae ang buhay din ng kawatang ito? Parang mas okay pa na ibalik ang death penalty pero ang tulad ng mga ‘to ay balatan dapat ng buhay, ano? Oo, burtal na kung brutal. Pero sa totoo lang, ito ang sikohiya ng tao pag nabibiktima: madalas sa pagkakatao ay gusto nilang maghiganti. Kung sadista pa sila ay gusto nilang mas higit pa sa nagawa nila ang maituturing na paursa. Yan siguro ang napapansin ko sa kapapanood ng mga palabas na tulad ng S.O.C.O., Krime Klasik at ultimo ang klasikong The Calvento Files noong 90s.

Sa kabilang banda, ayon sa namumuno sa Task Group Kae na si C/Supt. Christopher Laxa ay kinumkunsidera pa rin nila ang anggulo na biktima siya ng isang sindikato. So, possible na hindi lang si Decimo ang mag-isang may-sala ditto, dahil obviously naman ay isang grupo din talaga ang may pakana. Hindi kaya ng isang tao ang nakawin ang sasakyan at paslangin ang taong yan. May nakita ngang damit at gamit pam-babae d’yan, ‘di ba?

Kung magsusumamo sa takbo ng imbestigasyon ay sa totoo lang, planado ang krimeng ito. Oo, kahit “trip lang” ito sa kanila. Hindi rin siguro maisasantabi ang anggulo na kakilala ni Davantes ang pumatay sa kanya. Ayon din kasi sa mga ulat ay possible na isa sa mga kasama sa pagpaslang kay Kae ay nasa komunidad lang nila.

Anyway, hayaan na lang na gumulong ang takbo ng imbestigasyon para dito. At sana naman, pati sa ibang mga insidente ng krimen ay ganito rin kabilis ang takbo ng mga pangyayari, ke nairerecoerd man ito ng media o hindi.

Pero, parang mas okay pa rin kung may death penalty para sa mga kawatan na tulad ng insidenteng ito, no?

Sources:

author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!