Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 September 2013

Very Important Prisoner?

09022013 | 1109AM

Nahuli na si Napoles. Ano na? Bakit pa kayo nagmumukmok?


E may V.I.P. treatment e! Masyado espesyal!

Kunsabagay, parang ang espesyal ng dating e no? Isang corrupt na businesswoman sa mata ng nakararami ay sumuko kasi sa pangulo ng bansa.

Ganun? Porket sumuko na kay PNoy, special na kagad? 


E kung sa tiwala ang attorney ni Janet kay PNoy e. Sabagay, may kakilala si Atty. Lorna Kapunan sa Malakanyang. Koneksyon ba.

Isa pa, ayon kay Pres. Spokesperson Edwin Lacierda, marami na ang sumuko sa mga naunang pangulo ng ating bansa. Ah, sabagay, sa ngayon kasi, ganyan talaga ang magiging datingan.

Matapos sumuko ay dinala sa Camp Crame ng kinagabihan. Kinabukasan ng gabi, nilipat sa Makati City Jail. And then, kahapon ng madaling-araw ay nilipat sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa , Laguna.

Wow, taray. High-profile fugitive ang peg! Kaya pala umalma ang kampo niya ng "overkill."

E ano ba kaso niya kaya nagkaroon ng malawakang manhunt laban sa kanya? Serious illegal detention lang naman.

Nakakatawa lang e no? Naglabas pa ng pabuya. Tapos sumuko lang din?

Wala raw special treatment. Magkano lang budget sa pagkain niya per day no? 115 pesos labg naman.

So, bakit siya VIP? Dahil sa pagtraro niya. Tingin ko hindi. Hindi at hindi lang.

Vip siya ngayon dahil siya ay isa ring tinuturing na "person of interest" sa kaso ng anomalya sa pork barrel. Sabagay, marami siyang nalalaman sa naturang kaso. At sa sobrang daming alam ay gusto ng kanyang abugado na maging state witness siya.

Ah ganon? Kaya pala ganun na lang siya ka-special.

Hindi nga, wag kang makulit. Sabi ni DILG Secretary Mar Roxas. E kung ganun naman kasi ang pagtrato kay JLN, bakit hindi rin sa lahat ng mga kriminal? E pustahan, marami din dyan ay may matindi ring pagbabanra sa buhay.

At kung pinoproteksyunan pa ng mga pamahalaan ang mga kawatan, hindi ba rin ako magtataka kung bakit natatakot ang mga whistleblower at biktima. Kung bakit pinili na lang nila manahimik at magsalita. Kung bakit mas gusto na lang nila ilagay sa kamay nila ang hustisya at magrebelde pag nag-tagumpay. At kung anu -ano pa.

E kasi, special e!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!