10/18/2013
3:41:09 PM
O, may
nagsalita na naman. May humusga na naman. “Worst airport in the world” raw ang Ninoy
Aquino International Airport terminal 1?
Eh ano
naman ngayon? May bago pa ba sa balitang ito? Parang minsan na rin tinag ang
naturang airport sa kaparehong titulo ah. Maalala na noong 2011 ay tinag din ng
isang travel website "The Guide to Sleeping in Airports" bilang world’s no. 1 worst airport
ang NAIA 1.
Alam mo,
siguro kung dating pangalan pa ang ginamit dito na “Manila International Aiprort,
e mas pahiyang-pahiya na tayo. Kaso, either way kasi, malaking dagok ‘to, kahit
kung nabubuhay pa sa panahong ito ang dating Senator Ninoy Aquino. “Aba,
airport na ipinangalan n’yo sa akin, world’s worst? What have you done to this
beautiful terminal?”
Pero bakit
nga ba naging worst airport ang terminal 1 ng NAIA? Kung babalikan ang
kasaysayan ng karumihan ng terminal 1, maraming flaws kung bakit para sa mga
taong naglahad nun, yan ang “worst.” Mahaba ang pila, magulo, maraming
kakulangan sa serbisyo, katiwalian, krimen (specifically, pagnanakaw), at kahit
pa ang ultimong pagkatulo ng comfort room (teka, bakit nga bang tinawag na “comfort
room” yun kung hindi naman kum portable ang naturang kwarto, ‘di ba?).
At matapos
ang dalawang taon, anyare? PRESTO, Nasa kanila pa rin ang trono, ayon sa
naturang website.
Nasaan na
ang “progresong” ipinangako? Hanggang drawing o blueprint lang ba ang mga nakaupo
dun? May gana pa kayong magpresenta ng tatlong architect at deszginer para
i-facelift ang NAIA-1? O don’t tell me kukuinin n’yo pa yan sa pork barrel, ha?
Good luck. Daig pa kayo ng Extreme Makeover at ng Fashbook e.
“Buti pa
nga may malalapagan eh?” Siguro, pero hindi yun ang punto rito. Sa dalawang
taon na binulabog na ang pamahalaan at ang local media ng tila bad-but-true
press mula sa foreigner, OFW, at kapwa mamayang turista na may kinalaman sa “worst
airport,” e tila hindi tayo natututo. E yan ang Pinoy e, sad to say. Kelangan pa
bang i-memorize yan? Mula sa pagboto sa eleksyon hanggang sa pagiging maagap sa
mga kalamidad, hindi tayo natututo. History repeats itself, ika nga.
At baka nga
kahit batuhin mo pa ng ilang suhestiyon ang tagapamahala ng NAIA 1, hindi yan
makikinig. Asa ka pa, no.
O, siya. Sige
na. Total for the second time e “worst airport in the world” naman na ang NAIA
terminal 1, ito ang magandang pabor d’yan: gawaran ng parangal at sumigaw ng “CONGRATULATIONS!”
Pero please
lang, kung may planong i-revamp ang lugar na ‘yan, ‘wag n’yo na lang idaan sa
salita. Ginagawa yan, mga bugok.
Sources:
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
In fairness, hindi naman accurate yang report na "worst Airport In The World" ang NAIA 1. Ako ay isang commercial pilot na naka base ngayon sa Africa. Ako mismo ang makapag sabi kong totoo o hindi yang report nayan. Kong makita nyo lang ang ibang international airports na napuntahan ko dito sa Africa, talagang mamahiln nyo ang NAIA. Meron nga lang talaga dapat iimprove pero hindi naman "Worst Airport In The World".
ReplyDelete