10/7/2013 5:36:40 PM
Wow, ang lakas ng drama nila ah. May aksyon, may twist, may
trash-talking spiels, at eksena sa korte ah. At take note, ilang take na rin
sila kahit sabihin pa yata ni Direk na “CUT! PERFECT!”
E ano naman? Hay naku naman, puwede bang tantanan na natin
ang kadramahan ng mga Barretto sisters?
Matakin mo, ang daming problema ng Pilipinas na dapat pang
pansinin, mula pork barrel scam hanggang sa sigalot sa Zamboanga, hanggang sa
training ni Pacquiao hanggang sa pagiging patola ng mga netizens kay Devina
Deviva. Pero bakit ito pa ang ginawang national item sa mga flagship newscasts
ng mga malalaking network?
Alam niyo, matagal nang uso ang “sibling” rivalry, celebrity
man ang mag-utol o ordinaryong nilalang. Parang sobrang fascinated naman ang
datingan sa inyo ng awayan nila Claudine, ang asawang si Raymart, at ang
kapatid na si Gretchen ah.
Pero paano nga ba tayo napunta mula sa imbestigasyon ng serye
ng mga anomalya sa kaban ng bayan… papunta sa maingay na away-kapatid? E nagdemandahan
na kasi sa korte ang bunsong si Claudine at ang asawa niyang si Raymart Santiago.
At kung anu-anong butas na ang pinasok ng mga ‘to? Kaliwa’t kanang labasan ng
baho, putik, at iba pang bahid ng dumi. Hanggang sa nagsi-sulputan na ang mga
utol at ultimo ang mga magulang. “Shut Up, Liar” and “Drop the family name” ang
mga matitinding kumento? Anak ng, hoy! Kung sa korte na lang kayo mag-usap sa
halip na i-daan sa PR at showbiz media?
Naku, ‘di naman kayo nakakahiya no? Wapakels kahit
nakakahiya, basta ma-achieve lang ang “talk of the town” award. Parang na-imagine ko tuloy na paano kaya kung kamag-anak ko ang mga ‘to? ‘Di na rin ako magtataka
kung maapektuhan ako ng pambabatikos nito sa Twitter, o pambubully sa pamamagitan
ng tsismis a la backstaban.
At paano ka naman hindi maiirita kung sapaw na sapaw na ng
airtime ng mga balitang ito ang kabuuan ng mga newscast a telebisyon? Buti pa
ang mga ‘di sikat na istasyon e, may kabuluhan pa ang mga ibinabalita.
Ano ang posibleng implikasyon nito sa ating lipunan? Na karamiha’y
magiging ampaw na naman. Sabagay, marami rin kasing mahihilig pumatol sa kung
anu-anong kababawan sa buhay natin na tulad ng showbiz at teledrama. Mahihilig tayo
sa away – pero ang kataka-taka lang, e tayo mismo ayaw mapaaway. Loko-loko rin
kayo, e no?
Nah, enough of excessive publicity, please?
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
True. Some domestic events need to be left to those concerned.
ReplyDeletevery well said.. and masama pa dyan epekto ginagawa nilan tsismosa tsismoso viewers nila.. hay
ReplyDeletemismo! no wonder kung bakit malaking numero sa mga mainstream viewers ay na-inflict na sa kanilang kaisipan ang pagiging tsismoso.
DeleteHaha dati sinusubaybayan ko pa mga kwento tungkol dyan sa magkakapatid pero ngayon di na. Walang mabuting maidudulot.
ReplyDeletetama. sa totoo lang, nakakasawa na ang mga ganyang balita. para silang ticket sa sinehan - good for one-time screening only.
Deletemas maraming importante kesa jan hahaha
ReplyDelete