Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 October 2013

Bakit Nga Ba Hindi Ka Pa Magsulat ng Libro?

7/24/2013 2:27:03 AM

Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.

At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi ka pa magsulat ng libro?”

Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun, ‘di ba?


Hindi ako magpapaka-hipokrito – alam ko, na ang pagkakataon na magkaroon ka ng isang libro na ikaw mismo ang awtor nito, ay isang napakagandang bagay na kung tawagin ay “achievement.” Napakalaking legacy na ito sa buhay mo, bilang manunulat man o bilang tao.

Subalit, hindi ko na rin iniisip na magkakaroon ako ng sariling libro. Hindi ko na rin iniisip kung may mapangahas na tao o kumpanya d’yan na aalokin ako baka sakali. Kung iniisip ng ilan sa mga umiidolo sa akin (kung mayroon man) na bakit nga sila? Yung gumagawa ng mga kwento sa Wattpad, sa Definitely Filipino, sa kung alinmang website pa yan, sila nga na hindi naman din ganun ka-tanyag ay may libro, ikaw pa kaya, SlickMaster? Ay, sorry, hindi ko po sila kauri, mga ‘tol. Kada writer ay may kanya-kanyang sitilo at opniyon sa mga bagay-bagay. Hindi lahat sa amin ay magkakatulad kung alam n’yo lang.

At bakit naman ganun lamang ang mga sagot ko? Marami akong dahilan kung bakit hindi ko rin gusto ang maisalibro ang alinman sa mga nagawa ko.

Hindi naman garantiya na tatangkilikin ng tao ang libro ko pag nagkataon. Ika nga ni Bob Ong sa kanyang Stainless Longganisa, career suicide ang hakbang na ito para sa akin. Dahil karamihan sa mga akda ko ay pawing mga komentaryo at editorial, ang kalalabasan lang nito ay panibagong clone ng mga libro na may kagayang konsepto at nilalaman mula sa mga Twisted book serues ni Jessica Zafra, o yung libro ni Lourd de Veyra na “This Is A Crazy Planets.” At tama yung salita sa kanyang pamagat, kahit magpaka-grammar Nazi ka pa. Asus, sinu-sino ba naman kasi ang may gustong tumangkilik sa mga sanaysay na naglalaman ng mga opinyon ng isang blogger na may kinalaman sa mga napapanahong balita? E hindi naman yan magiging mabenta dahil karamihan sa mga tao ay hindi naman aware sa kanyang kapaligiran.

Sino ba naman ako? Maliban pa sa isa sa mga libu-libong (kung hindi milyon) na mga amateur blogger, na kahit isang taon na ang pamamayagpag sa isang community blog site bilang top author nito ay hindi pa rin naman ganun kilala? Hindi lang ito na usapin ng popularidad at kakayahan sa numero ng mga post na isinulat. Ukol din ito sa kung gaano katindi ang epekto na maibabahagi mo sa mga mambabasa. Siguro, kung magsusulat ako ng mga kwento na ang plot line ay maihahalintulad sa mga istoryang umeere sa mga dokumentaryong palabas ay baka mapansin pa ako. O kung susunod ako sa agos ng karamihan sa mga manunulat na panay romantisismo, kontrobersiya at kadramahan ang nilalaman ng kanilang akda. Bagay na hinding-hindi ko talaga trip na gawin. Kung nakagawa man ako, ito ay dahil sa dalawang dahilan: .Nageksperimento lang ako, at dahil sa suhestiyon ng ilang tao.

Hindi ako maka-fiction. Dahil nga madalas ay komentaryo, balita at impormasyon ang kadalasa’y sinusulat ko. Umiikot sa realidad ang aking utak, ang utak na may kapabilidad na isigaw ang nakabibinging tinig ng katahimikan, sa pamamagitan ng papel at tinta; o dahil sa internet ako naglalahad, computer. Ni yung isang serye ng kwento ko sa isang blog site e hindi ko magawang tapusin kahit halos kalahating taon na mula noong isinulat ko at ipinalimbag ang pinaka-latest na kabanata nito.

Dahil hindi naman garantiya ang pagtatangkilik ng karamihan sa akin pag nagkataon, hindi rin ito kikita. Maliban sa money and fame talks, hindi naman talaga ako kikita pag nagkataon. Kung tutuusin, malaking karangalan nga ang maisalibro ang mga sanaysay, o tula na ginawa mo. Kaso sa publisher lang din pupunta ang malaking porsyento ng sales mo pag nagkataon. Ang maibabayad lang nila sa’yo ay ang tinatwag na royalty tax. Mabuti sana kung mabenta ka na sa publiko bago mo pa isipang isalibro ang alinmang quotes o jokes na meron ka.

Amateur nga ako, ibig sabihin, hindi ako pro. Hindi ko nga pinagkakakitaan ang blog ko mismo e. Dahil alam ko kahit gaano ko pa pahigpitin ang sarili ko sa pagtse-check sa mga sinusulat ko, may mga pagkakamali pa rin akong nagagwa kahit hindi ko pa to namamalayan. In short, hindi ako perpekto kahit magpaka-perfectionista pa ako. Dito papasok ang mga role ng mga editor at kritiko. Baka nga kahit Tagalog pa ‘tong mga sinusulat ko e pustahan may sumasablay pa sa grammatika ko. Pero ano pa ba magagawa ko? Istilo ko ‘to e. kung hindi ito papasa sa mga kinauukulan, fine. Hindi siya big deal sa akin. Basta ako, iniimagine ko na lang na kung anupaman ang mga salitang nilalapat ko dito ay para rin akong nagsasalita sa harap ng mga tao (kaunti lang). Kahit papaano naman ay maramdaman ko ang tunay na bambisyon ko sa buhay.

Hindi naman garantiya na porket marami akong nagawa, marami rin ang nagbabasa. Pustahan, baka nga napepeke pa ng sinuman ang hits na makikita ko sa kada pagkakataon na minomonitor ko ang stats ng mga blog post ko. Kung maisasalibro pa ‘to? Pustahan, tutumal ang benta. Baka nga kahit ilagay mo na sa “for sale” na aisle to, wala pang papatol. O kung may papatol man, baka mabored pa siya sa unang pahina pa lang at gawing pamunas ng pwet nya pag nagtatae siya o gawing pagparingas sa apoy kung kinakailangan nyang magluto gamit ang uling o sanga ng kahoy.

Hindi ako nagsusulat para sa sinuman. Kung sa wikang Ingles, I write to express, not to impress. Kaya siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako matanggap-tanggap sa trabaho na may “writer” na post. Hindi kasi for commercial purpose ang karamihan sa mga sinusulat ko e. Kahit may pgakaperfectionista ako, hindi ko ito ginagawa para i-please ang karamihan. Kundi para sa sarili ko lamang. Makasarli ba ang datingan? Ganun talaga e. Puwede mong birahin ng “e bakit mo pa nilimbag ‘to?” at ang kaakibat na sagot ko d’yan ay “e dapat hindi mo na rin binasa ‘to.” Dahil… ulit, hindi para sa ‘yo ang ginagawa kong ito. Ekspresyon to ng sarili kong paglalahad..

Sa totoo lang, kung papalarin man ako na mabigayn ng pagkakataon, salamat. Pero hindi ko ‘yun pinagtutuunan ng pansin. Marami pa akong kailangang patunayan sa sarili ko bago ang makamundong bagay na tulad na lamang ng “libro.”

P.S. Maraming salamat kay Bob Ong at sa kanyang librong Stainless Longganisa dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko magagwa ang blog post na ito. Isa kang kahanag-hangang nilalang na dapat basahin ng mga hangal na nilalang ang iyong mga akda nang amtuto silang umami sa kanilang kabobohan sa buhay.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!