18 October 2013

Blaming Game?

10/15/2013 2:49:44 PM

Okay. So olats ang mga Tigre, nang dahil sa kapalpakan ng isang manlalaro nila? Ang daling husgahan ang mga pangyayari no?

Sabagay, ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng dalawang malaking pagkakamali sa mga huling minuto ng laro e. Ikaw na nagmintis ng tira sa duluhang bahagi ng fourth quarter kaya umabot sa overtime. E libre ang bine-buwenas na si Jeric Tengpara i-panalo ang laban. At ikaw din ang nagbato ng isa sa mga pasa na hindi nasalo ng kakampi niya sa huling mga segundo ng overtime.

At ikaw rin ang maging subject ng mga ganito: ang sigaw ng pagkadismaya ng coach mo, ang pagkabadtrip ng crowd ng mga Tomasino sa iyo, at ang maging subject sa pangbabash nila sa Twitter.


Ganun? Dahil sa kanya lahat yun? Ang dali n’yo naming sisihin si Aljon Mariano no? Parang nakalimutan ng mga ito na siya ang nagpukol ng game-winning shot laban sa FEU (at kung naolats sula dun, baka hindi rin sila nakatuntong playoffs, kahit sa Final 4 man lang). 

At nakakalimot yata tayo na kahit ano pang galing ng isang basketball player, pumapalpak pa rin siya. Tao pa rin siya. Mga superstar nga sa mundo ng basketball e nagmimintis din sa mga plays nila , siya pa kaya?

Ang daling mainsi ng player 'pag pumalpak siya. Sana lang ay: una, hindi sila bano maglaro (at napakagaling kamo, as in yung pag andun sila sa sapatos ni Mariano e tamang desiosyon ang gagawin mong play); pangalawa, maalam talaga kayo sa basketball; pangatlo, hindi lang pustahan ang alam niyong gawin; at pang-apat, naiintindihan niyo ang takbo ng sports sa katawan ng isang tao. Na kahit gaano pa siya ka-artistic gumawa ng pasa at shot attempt, ay napapagod pa rin siya. Na kahit nakababad siya buong laro, mapapagod pa rin siya at hindi lang sa pisikal na aspeto. Forget Coach’s words. Alam ko na pang-motivate niya ang sabihin na “hindi pa kayo pagod.” Pero may magagawa pa ba tayo ukol dun?

Kung blaming game lang naman ang usapan, e bakit hindi rin sisihin ang mga kampi ni Mariano? Na sumablay sa mga tira nila (na kinakailangang ibuslo ng mga Tigre para makabalik sa laro ng tuluyan)? Siosihin rin ang mga sumablay ang pasa – sigurado ako na hindi lang si Aljon ang naka-commit ng parehong pagkakamali na ‘yun. Bakit hindi rin sisihin ang mga pumalya sa depensa? Kung 15 na kalamangan mo sa laro, tapos nahabol pa, at nasilat pa? Hindi lang isang tao ang pumalya dun, di ba?

At... teka, nag-sorry na s'ya. (Basahin n'yo kasi yang nasa litrato na mula sa Twitter account n'ya.)


https://twitter.com/aljonmariano/

O, pano ba ‘yan. Champion La Salle e. Tama na ang sisihan. Tapos na ang usapan eh.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. soemtimes the points earned from all the quarters will really be of no value esp when the fight is close and last seconds are left. but i agree, there should be no one to be blamed:) everybody should relax and just prepare for next year:) i love the tigers, but id like to congratulate la sallians as well:) i just hope my fellow up fighting maroons would do better next time. in basketball and in life, the last performance does not dictate or ascertain a position. every goal should be delivered at its best. (well at least, ideally)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.