10/27/2013
4:26:59 PM
"Ang buhay ay parang HOLIDAY. Pag in-love ka, VALENTINES DAY. Pag marami kang pera PASKO. Pero 'pag tumingin ka sa salamin... Halloween na!" (At
sa totoo lang, duda ako sa mga naglabasang post na sinasabing UNDAS ‘yun.)
Papatak na
naman sa kalendaryo ang katapusan ng Oktubre. Bago mag-Todos Los Santos, may holiday
pang ipinagdiriwang ang karamihan. Tama, malapit na naman kasi ang Halloween. At
dahiul Halloween nga, horror na naman ang peg ng paligid. Tatakutin na naman
ang sari-sarili sa mga horror movies at zombies at ultimo ang mga napapanahong
jokes. Siguro mas papatok ang mga sinehan kung ipapalabas sa panahong ito ang
Insidious 2 (bagamat may mga review akong nabasa at ayon na rin sa feedback ng
mga tropa ko ay hindi naman siya nakakatakot e. Nakakagulat lang, o lamang lang
ng drum na paligo sa mga tulad ng World War Z.)
Okay. Ang
tanong: Halloween na nga, eh ano naman ngayon?
Teka,
nagdiriwang ba ang Pilipinas ng Halloween in the first place? Siguro, kung ikaw
ay taga-urbanidad. Kung ikaw ay elitista. Madalas ko kasing makita ang mga ‘yan
pag sosyalin ang subdibisyon o village. Wala ka naman makikita masyado sa mga
lugar ng maralita na nagde-decorate ng mga palamuting pang-Halloween. Mga parol na may kinalaman sa Pasko, pwede pa.
Halloween
na nga, e ano naman ngayon? Three words: TRICK or TREAT. Parang yung mga Halloween-episode
ng mga banyagang palabas lang. Naalala ko lang nung minsan akong gumala sa
Eastwood last year, mga bata nakiki-trick or treat sa mall nun.
At huwag
ka, pare: Bongga pa ang costume nila. Talbog ang mga suot na pang-prom, Wikang
Pambansa, summer (weh? Meron ba dun?!), at United Nations. May superhero pa nga
e. Kaya siguro malaking event ‘to dahil kahit nakakatakot ang tema ng araw,
ginagawa nilang katatawanan. Pero kung katatawanan lang ang usapan, e tumingin
ka na lang sa salamin (oo, tulad na
lamang ng pinakaunang statement ng artikulong ito)!
At sa
advent ng mga pagsulputan ng mga call center sa bansa (na siyempre, sinusunod
ang holiday o special day ng ibang bansa kesa sa sariling lugar), talagang lumalaganap na nga
ang Halloween fever niyan.
Kung ganun
man ang dating, e ‘di parang Christmas o Valentine’s Day rin pala ang katumbas
na halaga nito e: “all for money’s sake” na lang din. Siyempre, mauuso ang mga thrilling ride sa mga amusement park. Ang
majority ng mga espesyal na palabas sa TV, horror. Ang mga item (bagay man o
pagkain), may resemblance ng katatakutan.
Pero Halloween
na nga! Eh ano naman ngayon? Ewan ko, ni hindi nga ako nakakakain ng kalabasa
na ginagawa nilang lampara e. Teka, lampara nga ba ‘yun (minsan kasi parang may
nakikita akong aninag ng liwanag na mula sa kandila dun e)? Baka kasi pwede rin
siyang maskara e – yan ay kung kasya ang ulo mo dun.
Teka lang,
kung katatakutan lang ang usapan, wala na yatang mas nakakatakot pa sa digmaan,
kalamidad at krimen na araw-araw na yata nating nararanasan. Oo, particular na
yung dalawang huling nabanggit. Sa totoo lang, mas matakot pa dapat tayo sa
buhay e. Dahil ang mga yun, kaya pa tayong patayin!
Kung ganun
pala, e ‘di araw-araw... ay parang Halloween! Yun naman pala eh. Ano na ngayon?
Ewan ko.
AWOOO!
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
People forget Halloween is a corruption of the old english term for all hallow's eve, with hallow being holy (as in our father in heaven hallowed by they name)
ReplyDelete