10/27/2013 12:17:30 PM
www.keepcalm-o-matic.co.uk |
Palagi na lang nating naririnig ang salitang ito pag panahon ng botohan: VOTE WISELY. Mula sa eleksyon sa pamayanan (barangay, local na komunidad man, o national – presidential man o midterm yan) hanggang sa mga reality shows na kinakailangan ng “audience participation” (siyempre naman, d’yan masusukat din ang “audience impact” ng isang kalahok at ang popularity factor ng isang palabas maliban pa sa ratings nito), usong-uso ang “boto.” Teka, baka naman sa election ng class officers ay maririnig mo pa ‘to ha? Pati ang election ng board of officers? Sabagay, kahit OA nga lang ang datingan.
Tama, VOTE WISELY nga ang palaging paalala ng mga station voiceover sa kani-kanilang mga promo ad; at pati ang mga graphic designer at copywriter sa kani-kanilang mga print ad. Dito lang ako nagtataka – ang tanong: Sino si WISELY?
Oo nga naman, sino ba ang hinayupak na ‘yan? Anong posisyon ang kinakampanya ni Wisely para sa sarili niya? Bakit siya ang dapat iboto natin at hindi ang mga bwakananginang mga trapo nna nagdidilang anghel kapag oras ng pangangampanya na? E ni gender nga n’ya (aminin natin) ay hindi natin kilala!
Kahit ang inyong lingkod ay hindi kilala’ yan e. Katawa lang, ano? Kaya siguro ang resulta ng eleksyon sa atin ay parang slogan na ito – isang malaking palaisipian, at isang malaking JOKE. Kahit corny pa, actually.
Anak ng tokwa naman kasi – kung sinu-sino ang inieelect, tapos ‘pag walang nangyari, may gana pa silang magalit. Parang ‘di muna inisip o nagsisi man lang. Sabagay, yan talaga pag madali kang masilaw sa pansamantalang bagay tulad na lamang pag panahon ng kampanya – binigyan ka lang ng pera, pinagpalit mo na ang boto mo, at maghihintay na tuparin ang pangako nila. E pumuti na ang uwak ng kapitbahay mo (as in parang buhok natin na tumatanda na), anyare na? Gago ka rin kasi e, nagpauto ka. Yan tuloy.
Pero seryosong usapan. Sino ba si Wisely? Tao ba siya na may apilyedong WISELY? E kahit naman yata may ganung pangalan e baka ‘di rin mag-ambisyon na maging pulitiko. Kailangan ba n’yang magpakita sa publiko? Kailangan ba niyang kalabanin sa entabladong pulitikal ang mga tulad ng mga karakter na ginagampanan ni Willie Nepumuceno, Ate Glow at ultimo ang role ni Noel Trinidad na si Anding Tengco (kung ‘di ka pamilyar sa kanya, Abangan Ang Susunod Na Kabanata!)?
Kailangan ba na may katangian ang isang pulitiko na masasabing WISELY para sa atin? Wala naman yata makapagdidikta sa atin niyan ‘di ba? Oo, aral-aral din kasi tayo minsan ‘pag may time. Yan ang hirap pag panay sex scandal at hiwalayan sa showbiz (at ultimo ang love story nila Maya at Sir Chief) lang ang sirkulasyon na alam natin e.
Mas seryoso. Sino ba si WISELY? Isa siyang adverb – o sa Filipino o “Tagalog”... “pang-abay.” Kung gusto mo pang malaman ang malalimang kahulugan niyan, magbasa ka ng diksyunaryo (ayaw kong i-spolin ka masyado, no!).
Pero anak ng pating for the nth time naman... sino ba talaga ang jeskeng WISELY na ‘yan?
Ang sagot ba hinahanap mo? Yung totoo? Sige, let me tell you this straight – ikaw si WISELY. Ikaw nga yung "wisely" na tinutukoy d'yan.
Oo nga! (Ang kulit!) At hayaan mo na lang ako mag-explain para sa enjoyment mo, total hindi naman lahat sa atin ay bihasa na umintindi sa Ingles at ultimo sa saril nating wika.
In short (and deeper perspective), ikaw ang makapagde-decide kung sino ba sa mga nanliligaw sa ‘yo ang tunay na “public servant.” Nasa kamay mo – at sampu ng mga kaanak at katropa mo na botante at pati na rin ang mga kapwa tambay mo na humihithit at tumutungga – ang kapalaran ng bayan mo. Parang si Spiderman ba ang datingan? OO, dahil nasa sa atin man ang kapangyarihan, may responsiblidad pa rin tayo. May accountability pa rin tayo sa mga binoto natin. Akala mo ganun-ganun lang yun ha?
Ikaw nga si WISELY. Ngayon, alam mo na? E di iboto mo sarili mo. ‘De, joke lang... hindi ganun ‘yun ‘no. Vote wisely, ibig sabihin... “bumoto nang matalino” (salamat sa Google translate. Ewan ko alng kung niloloko rin ako ng websiote na ‘to mismo). E paano kung bobo ka? Hindi naman siguro no? Mangmang lang.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
I just want to share my experience someone use my bf name, may nakavote na pero hindi pa sya nakakaboto pakiramdam ko nasa loob ng precint ang may pakana makakarma din sila. Vote wisely talaga dapat pero paano ka makakaboto kung dinadaya ka
ReplyDeleteTsk, tsk, tsk, How on earth did that happened? Dapat may nakalagay na "indelible ink" sa daliri ng bf mo. Dahil isa yun sa matinding katibayan na bumoto ang isang tao e. Otherwise, i-reklamo dapat yan sa kinauukulan.
DeleteSana nga mas madami ang matalino bumoto, kadalasan kasi nadadaan na sa kasikatan.
ReplyDelete