Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 October 2013

Just My Opinion: Janet on Senate?

10/24/2013 9:08:21 PM

Okay, so mukhang malaking pasabog ang magaganap sa Nobyembre a-7 ah. Yan ay kung... sisipot s’ya.
Tama, ang puno’t dulo ng prok barrel scam na ‘yan – na wala nang iba pa (sa ngayon) kundi si Janet Lim-Napoles – ay ipinapatawag sa Senado sa petsang ‘yan.


Kaso ang tanong... magsasalita ba siya dun? Baka naman manahimik lang s’ya dun. Alalahanin mo, parte ng Miranda rights ang karapatan ng akusado na manahimik. Ito pa, baka gawin n’ya ang “I invoke my right on self-incrimination,” ang mga salitang pinauso ng isang Erlinda Ligot sa isang pagdinig laban sa kanya at kanyang asawa na si Jacinto noong 2011. Pag ang mga ‘yan nangyari sa a-7, ewan ko na lang... sa totoo lang kasi, isang malaking sarswela o moro-moro na ang mga development sa  isyu ng pork barrel (na may err, reputableng pangalan na Priority Development Assistance Fund) na sinamahan pa ng Malampaya fund scam.

At teka nga, sa tingin mo ba magiging “tapat” at “totoo” ang tagpong ‘yan? Kung sakali man na may sabihin si Janet na pangalan, ang sa lagay ba eh... aamin ang mga aakusahan n’ya? Malamang, may kanya-kanyang depensa yan. Baka nga may pahabol na rebuttal ‘yan e. May pahabol na turuan at lantarang laglagan ang mga senador. As in labasan ng baho na ‘yan. At sa larangan ng pulitika sa ating bansa, gino-glorify ng sangkatauhan ang mga taong maiitim ang budhi (ano? Hindi ba? ‘wag n’yo ngas kong lokohin, mga siraulo kayo!) – aminin man natin yan o hindi.

Ito pa, papayag ba naman ang kampo ni Janet? E tignan mo nga, nagkasakit na s’ya kanina? Tingin ko, maliban sa bato, puso at hirap sa paghinga, e dala na rin ng stress na ‘yan – as in “stress” na ipinupukol ng publiko sa kanya. Yan talaga ang mapapala ng isang taong ng lipunang ito base sa mga balitang umalingawngaw. At ayon na rin sa kanyang abugado... ke may sakit man s’ya o wala – hindi siya dadalo sa pagdinig na ‘yan. At ang kanyang testimonya ay nasa kamay na ng Ombudsman. Sa madaling sabi, mas tiwala pa sila sa Ombudsman.

Ang tanong: possible ba siya mabigyan ng immunity? Kung ibig sabihin niot ay “huwag lang siya makulong,” e malabo ‘yan no. Harapin n’ya dapat ang dapat harapin. Siguro magsabi na lang siya ng totoo at baka sakali ay gumaan pa ang magiging parusa sa kanya.

Sabagay, ang mga senador, hahatol sa isang kaso na sangkot ang mga kabaro nila? Tangina, kalokohan. E ‘di sira ang kredibilidad ng Senado niyan (in general), ‘di ba? Considering na “emotional” ang Pinoy by human nature; samahan pa ito ng katotohanan na maruming playground ang mundo ng pulitika sa atin.

Saan nga ba hahantaog ang tagpong ito? Abangan sa susunod na kabanata sa inyong paboritong sitcom/teleserye/moro-moro/sarswela. Maaring tataas man ang viewership ratings ng mga news channels ukol sa paghaharap ng mga baboy at buwaya – kaso... tangina, nakakasura na rin eh.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!