10/5/2013
11:55:48 AM
Sa totoo
lang, bihira lang ako makapulot ng mga aral sa mga palabas. Lalo na sa panahon
ngayon na kung anu-anong kalokohan at kababawan na lang ang nakikita ko sa
parehong mundo ng telebisyon at pelikula. As in hindi mo na siya mahanapan pa ng
lalim, o ng kulay, o kung anu-ano pa na maaring maging kapaki-pakinabang.
Nabago lang
ulit ang pananaw ko sa mga pelikula noong natuto ako manaliksik at manuri ng
mga palabas. Salamat sa isang subject ko nung estudyante pa ako sa kolehiyo; at
sa tila prebilehiyo na makakapanood na ulit ako sa sinehan dahil nagkatrabaho
na ako. At mas lalo nabago pa ito noong pinanood ko ang pelikulang ito (sabay
turo sa banner ng pelikulang On The Job).
Sa halos
dalawang oras na nakatutuok sa malaking screen na ’yan, marami akong natutunan
sa pelikulang On The Job. Anu-ano ang mga ‘yun? Huwag kang mag-alala,
ike-kwento ko na siya rito.
Ang lungsod
ay isang malaking gubat. Kaya nga may naimbentong ang kataga na “urban jungle,”
‘di ba? At maliban pa d’yan, dito mapapatunayan ang isang aral sa siyensya na “ang
tao ay isang pinakamataas na uri ng hayop” – as in kayang gumawa ng mala-hayop
na gawain ang isang tao para lang may makain siya. Handa siyang pumatay ng tao
para lang mapagtustusan niya ang kanyang pamilya.
Tama, crime
is a business. Halos lahat naman yata ng transaksyon sa buhay natin ay
maituturing na rin na negosyo e. Parang kasabihan na...
“Trabaho
lang.” Ang lahat ng ginagawa nila ay trabaho lang. Walang pamilya-pamilya, o
wala ring emosyon na dapat pang maihalo pa sa iyong isipan. Ang trabaho ay
trabaho. Pag hindi mo ginawa ‘yan ng pulido, tatamaan ka nang lintik. Kapag hindi
mo inayos ang trabaho mo, patay kang bata ka.
Dito
napatunayan ang kasabihang “ang masamang damo, matagal mamatay.” Tignan mo na
lamang ang kuwento ni Mario o ni Tatang. Kaya kahit ilang beses pa siyang
labas-masok ng kulungan ay nakakalusot pa siya. At take note, nabigyan pa siya
ng parola. Kaugnay niyan...
Ang isang
masamang tao, walang kinikilalang “konsensya.” Hindi masisindak kahit ilang “huwag
po” pa ang umalingawngaw (at kahit may luha pa ‘yan). Siyempre, trabaho e. Alisin
mo ang pagiging anghel mo o ang pagiging malinis ang budhi .
Ang mayabang,
napapaslang. Tignan mo ang nangyari kay Daniel. Kaya kahit maangas ka, dapat
maging low-profile ka. Pero sa kabilang banda, ito rin ang nagbibigay ng solidong
pagkakataon kay Gerald Andreson na maging best actor (well, para sa akin ha?). Aba’y
sing-tindi ng arte niya sa sineng ito ang kanyang lutong ng pagmumura ng “(PU)TANGINA!”
Ang katiwalian
ay laganap sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Tanga lang ang magsasabi na sa “pamahalaan”
lang ito umiiral. Muli, mali ka. Hindi dahil sa tayo ang humuhubog sa gobyerno
natin, kundi dahil sa halos lahat ng larangan ay may corruption naman na
nagaganap talaga, malayang mamamayan ka man o nakakulong na kawatan. At iyan ang pinaka-ugat ng kahirapan sa ating
bansa. Sa sobrang kahirapan ng isang tao, tignan mo niloko nya ng kanyang asawa.
Sa sobrang hirap maghanap ng trabaho, tignan mo – naging hired killer siya. Akala
ng pamilya niya e nasa Dubai siya pero nasa bilangguan lang naman.
Kahit kamag-anak
mo, maari kang traydurin. Katulad ng sinabi ko yan sa nauna e. Si Lolet,
tanggap lang nang tanggap ng pera mula kay Mario, kahit lingid sa kaalaman ni
Tatang ay niloloko na siya ng kanyang asawa. Kahit si Daniel, akala mo siya na
ang papalit sa kanyang “Tatang?” ang pagsaksak ni Mario sa gitna ng yakapsul
session nilang dalawa ay nagsasabi lamang ng “Ikaw, papalit sa trono ko? ASA!”
Walang lihim
na hindi nabubunyag, kahit mag-ingat ka pa. Taliwas na ito sa linya mula as
kantang Billie Jean ni Michael Jackson (“be careful what you do, ‘cause the lie
becomes the truth.” WEH?). Akala siguro
ni Tatang e mapapaikot pa niya ang mundo ng anak na si Tina, ano? Na ang erpat
niya na “nagtatrabaho raw sa Cebu” ay isa palang hired killer. Kaya nga nung
nabisto nga ng erpat niya ang pagiging kaladkaran ng kanyang asawa ay walang
habas na piñata niya ang kumakabit na lalake.
“Mas
madaling pumatay ‘pag may galit ka.” Pero malalim ang punto ko sa kasabihang
ito. Parang sa ibang gawain lang: “Kapag may passion ka sa isang bagay, madali
mong nagagawa ang isang trabaho.” Which is tama rin naman sa madalas, ‘di ba? Bagay
na pinatotoo naman sa ilang mga eksena.
Lahat ng
gawain, may malalim na lihim. As in may pinaguhugutan sila. Hindi sila naging
kawatan lang dahil sa wala lang. May pinapakian silang pamilya. Ganun din sa
mga pulitiko na sikretong sangkot sa mga ganitong gawain. May reputasyon silang
ibinabandera. May pangalan silang itnatayo. May boto silang hinahabol. Kaya kawawa
naman tuloy yung mga taong nagkukumahog sa mga lehitong utos. Mga inosente ba.
Huwag mong
gagalitin ang paos. Bakit? Dahil mas malakas at mas maingay pa siya pag
nagagalit. At kahit duguan na nga, may gana pa siyang mangarat o itaas ang
kanyang gitnang daliri.
Siguro kung
may tipikal na pangyayari sa mga palatuntunan, ito yung eksena na “may
ibubunyag siya habang siya ay naghihingalo na.” Sa kaso ng OTJ, ito yung eksena
na naghihingalo ang kaibigan ni SPO1 Acosta bago pa siya makaratay sa ospital. Dun
lang nalaman ni Sergeant Joaquin na ang mga maruruming bahid nila Gen. Pacheco
at Cong. Manrique.
Ang realidad
ng mundo ay parang pelikulang ito – masakit, mapait, at hindi pwede para sa mga
mababait. Nilarawan ng On The Job ang ilang panig na kalakaran sa ating buhay
ngayon – na ang pagpatay ng tao ay isang trabaho para sa iilang halang ang
bituka. Ang katiwalian ay laganap sa lahat ng antas ng pamumuhay, as long as “business”
ang mga ito.
At walang
ligtas na lugar sa ating mundo. Kahit sa sarili mong bakuran, kaya kang
kitilan. Hindi uso ang “comfort zone” o “safe haven.” Kaya sa madaling sabi,
mag-ingat.
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!