10/27/2013
11:04:05 AM
Laging uso
ang liquor ban na ito ‘pag dumarating ang
eleksyon, barangay man, local, o national. Ang tanong, nasusunod naman ba ang
“liquor ban” na ito?
Teka, bakit
nga ba may “liquor ban” in the first place? Para makontrol ang sitwasyon? Para maiwasan
ang alinmang komosyon? Sabagay, kasi laging isinisisi sa “masamang ispiritu” ng
alak ang alinmang kagaguhan ng tao pagdating ng eleksyon – may kinalaman man
ito sa pulitika, crime of passion, o “trip lang.” Gan’on? Parang ang illogical
naman tignan nito – tama bang sisihin ang alak sa aalinmang komosyon at
kagaguhang nangyayari pagsapit ng eleksyon?
Ito kasi
ang problema kung bakit may liquor ban: hindi nakapag-iisip ng matino ang
tao. As in nakakalimot na ilagay dapat
ang mga yan sa tiyan lang, at hindi sa utak. Naku, kaya namn pala e. Kaya tuloy
damay ang mga taong keri lang uminom dahil sa mga bugok na ‘di kayang i-handle
ang mga sarili nila.
At sinu-sino
lang ba ang sumusnod sa liquor ban na ito?
Kung isa
kang franchisee ng mga convenience store na tulad na lamang ng 7-11 saka Mini
Stop, oo. Actually, kada gabi ay may ganun yata sila e (kanya-kanyang set ng curfew
nga lang ‘yan siyempre). Mabuti pa nga ang mga tulad nito e. At least, sumusnod
sa pamantayan. Yung mga tindahan at establisyamento? Pustahan, hindi lahat ay
katulad ng mga ‘to.
Pero ang
mga tindahan na lang ang may kasalanan dito? Parang ‘di naman yata tama na isis
ang lahat sa kanila? Malay mo, napilitan lang din sila ng ilang mga manginginom
(as in yung “’pag di mo ko pagbilan ng alak, ipapasara ko ‘to!” Pero sabagay,
sino ba naming bugok ang magiging uto-uto pag ganun?).
Kung may
exempted man sa liquor ban na ito, yun ay Zamboanga at Bohol. Tama, yung mga
naapektuhan lang ng mga delbuyong dala ng halong digmaan at baha (Zamboanga),
at ang tinamaan ng matinding yanig ng Lindol (Bohol). Bakit sila lang? E ‘di
naman magkakaeleksyon sa kanila sa Lunes eh. Sa Nobyembre pa sila dahil nga sa
mga nangyari sa kani-kanilang lugar.
Aba, ang
Pinoy pa! E likas na pasaway din tayo e. Aminin natin yan. Sa nakalipas na
eleksyon ay ‘di pa rin masawatan ang mga lashenggo na tahasang lumalabag sa
batas na ‘yan. Sa Davao nga e, kahit napakababa ng crime rate dun, may 120 pa
ring mga bugok na sinubukang basagin ang otoridad ni idol Mayor Duterte eh.
Eh what
more pa sa mga lugar na malalambot na batas tulad na lamang ng... Metro Manila?
Sa ngayon, wala pa kong makalap na detalye dahil sa totoo lang, ilang oras pa
lang ay halos 11 oras pa lang iniimplementa ang liquor ban sa 2013 barangay
elections. Habang nirere-update ang artikulong ito, may mga balita na sa ngayon kung gaano karami na ang lumabag (I-Google nyo na lang yun). Maaring maliit na porsyento lang yun sa istatistika ng mga pasaway, ngunit sa advent ng tabloidization, ang
aktibidad na may kinasasangkutan ng pag-tagay ng alak ay malaking big deal. Wala
sanang masama dun.
Pero bottom
line, tama pa rin bang sisihin ang alak sa kagaguhan ng tao? Tanginang yan,
what a logic.
Liquor Ban what?
Liquor ban my ass, buddy.
Sources:
http://www.philstar.com/headlines/2013/10/25/1249330/public-reminded-liquor-ban-oct-27-28
http://newsinfo.inquirer.net/tag/liquor-ban
Sources:
http://www.philstar.com/headlines/2013/10/25/1249330/public-reminded-liquor-ban-oct-27-28
http://newsinfo.inquirer.net/tag/liquor-ban
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
I don't see the point. People can still drink at home. Also, I heard of candidates treating voters to inumans. Haaay
ReplyDeleteexactly. there still have a lot of flaws to this one.
Deletethat will just create the forbidden fruit effect , you don't make people drink less by banning alcohol
ReplyDelete