19 October 2013

Panalo!

10/18/2013 9:31:00 AM

Hindi ko alam ha? Pero hangang-hanga ako sa litratong ito.

 Photo from abs-cbnnews.com


Sportsmanship bang maituturing? Maari. Sa totoo lang, buti pa nga ang Teng Brothers eh. Kahit magkaribal sa hardcourt sa pagkakataong ‘yun, at sa engrandeng entablado pa ng college basketball pa sila nagtuos, eh sports pa rin sila. Maaring ‘pag oras ng laro ay mortal na magkaaway sila, pero noong natapos na ang laro, naging 0 na ang orasan, at tumunog na ang final buzzer, e balik sila sa pagiging magkapatid. Hindi nga lang ito usapan ng “instant transformation.”

Alam ng nakababatang kapatid na ang tinalo niya ay ang kuya n’ya (dahil obvisouly, La Salle ang nanalo sa do-or-die contest na ‘yun ng UAAP Finals laban sa UST natapos ang 45 minutos ng basketball, 71-69) . Pero parang ipinaramdam mo pa rin na dapat ay parte pa rin siya ng selebrasyon. At ‘yan ay sa pamamagitan ng litratong itinampok ko sa post na ito. Ang pagtaas ng kamay niya. Kung tutuusin dapat raw ay MVP siya (bagamat iba ang pananaw ko ukol rito).

Pero ganun talaga ang basketball e. May mananlo at may matatalo. Buti pa nga ang dalawang utol na ‘to e. Bata nga, pero parang matured naman kung gumalaw. Hindi tulad ng mga mag-ate sa showbiz na gumagawa ng drama, nagbabngayan, kulang na lang yata ay magsamapahan rin sila ng kaso sa korte at may kidnap and chase scenes (tutal dun naman sila magagaling e – sa pag-acting sa mga lecheng teleserye). Ang tatanda niyo na mga ate pero daig pa kayo ng mga batang ‘to oh.

Oo nga pala, kahit sabihin natin na may pagka-scripted pa ang galaw na ‘yan, at least patunay lamang ito na ang “sports coverage” ay ang mas magandang halimbawa ng reality show sa TV. Tama, hindi ang mga tulad ng PBB o kung anu-ano pa man yan.

Isa lamang akong spectator (kabilang ang ilang milyong nanunood ng college basketball, kahit hindi kabilang ang eskwelahan na kasapi ng mga ligang ito), pero ito lang masasabi ko sa mag-utol na Jeric and Jeron Teng. Saludo ako sa ipinakita inyong ito. Respect!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.