Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 October 2013

Para-Paraan ‘Din ‘Pag May Time!

10/22/2013 9:44 PM

Para-paraan nga ano? Walang pinipiling panahon ang pananamantala. Tama, kahit lumindol pa.

Desperate calls for desperate measures, ika nga. Ang tao, gagawa ng paraan kahit sa karimarim na pamamaraan, makakuha lang ng ”relief goods.” As in kung sa ordinaryong araw – makakain lang ang kanyang nagugutom na sikmura. Dito mas applicable ang mga salitang “kapit sa patalim.” At kung tutuusin, hindi na bago ang pagkapit sa patalim. Dahil kahit anong kalamidad pa yata ang tumama, may mga bugok na lalamangan pa rin ang kapwa nila – dahil iniisip nila ang sarili nila. Ang mga gagong ‘to, parang kayo lang ang binayo ng delubyo ha? Parang kayo lang ang dapat hatiran ng tulong ha?

Bakit ko nasasabi ang mga ito? Pansinin:
Kung tama ang mga ulat sa balita, aba, parang hindi naman yata tama ito. Na ninanakawan na ang mga bahay at ultimo pati mga remittance center, ‘di pinapalagpas – as in hilonoldap pa raw. Habang nakikinig ako ng isang newscast ng isang istasyon ng TV sa radio counterpart nito, parang napapakamot na lang ako sa ulo ko (sa taas, siyempre)... at napapa-isip. Nagawa pa nga yatang barilin pa ng mga mokong na ‘to ang bantay na aso ng isa sa mga residente para lang makalusot sa krimeng gagawin e.

Pero kung ang mga ungas ay pagnanakaw lang ang alam, e ito... baka mas malala pa. Mantakin mo, ang mga relief goods daw na mula sa mga pribadong indibidwal at grupo, hinaharang pa yata di umano, at hino-“hoard” ng mga opisyales ng lokalidad ng mga bayan sa naturang probinsya. Mayroon pa ngang nade-delay dahil sa pamumulitika. Parang nakakalimot yata tong mga ‘to na unahin muna nila ang mga taong pinaglilingkuran nila bago pairalin ang kanilang pagiging ambisyoso.

At oo nga pala, suspendido ang barangay elections dun. In fact, sa November 25 ito gaganapin, hindi sabay sa nationwide (minus the selected devastated areas) na October 28. Yun naman pala e. So what’s the point para sumimple sa pangangampanya? Ay, oo nga pala, panahon na rin pala ‘to para magpasikat sila. ‘Di nila kailangan na kumanta o sumayaw sa pinakabaduy na pamamaraan (as in yung magmumukha silang mga tanga) para lang ligawan ang mga constituents nila. Mabuti naman kung gan’on, ‘di ba?

Pero para i-repake ang mga donasyon at ilagay ito sa mga bag na kalakip ay pangalan ng pulitiko? Kung totoo man ang tsismis d’yan.... Hoy, *radio* EPAL spotted.

Lechugas naman. Ayaw namin ‘yan! Mahiya naman kayo, oy! Isip-isip din pag may time.

Ay, oo nga pala, wala na nga kayong utak, wala pa kayong time.

Sources:


author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!