10/12/2013
12:42:33 PM
Kamakailanlang,
umalingangaw na naman ang balitang may kinalaman sa plagiarism. At hindi ito
usapin ng copy-paste ng artikulo o talumpati na ginawa ng isang senador noong
nakaraang taon, ha? Ang tinutukoy ko sa puntong ito ay ang pag-nakaw diumano at
pag-angkin ng isang “scholar” ng mga litrato na sinasali niya sa mga
patimpalak.
Matapos
pumutok ang isyu ng pag-plagiarize ni Marc Joseph Solis sa isang litrato (na
nanalo pa) bilang entry niya sa Smiles For The World Competition, ay nabuklat
din ang kasaysayan ng kanyang gawain. Aniya, lumahok ang naturang Public
Administration graduate sa 7 photo contests, at 3 sa mga ito ay nakakuha siya
ng mga parangal. Hindi para sa best plagiarizer ha? Kundi sa pagkapanalo.
Tama. Pitong
patimpalak at pitong nakaw na litrato. Nakagugulat ba? Ayon yan sa fact-finding
committee na binuo kasunod ng nasabing insidente na ikinasangkutan ng isa sa
kanilang mga “iskolar.” Sabi ng dean ng UP National College for Public
Administration (NCPAG) yan: “He submitted pictures that were not his
despite the rules of the contests that the person should be submitting original
work.”**
Well,
umamin man siya sa kanyang ginawa. At nag-sorry din naman ang kanyang ermat sa
talagang may-ari ng isa sa mga ninakawan ng litrato na si Gregory John Smith. At
hindi na rin nagsampa pa ng kaso ang Chilean Embassy (dahil nga humingi na rin
si Solis ng apology sa kanyang mga nagawa).
Subalit,
pitong beses na nag-plagiarized? At nakakalusot pa? Naku, ‘di na maganda ‘yan
ah. Siguro, kailangan pang may kumanta para lang mapansin ang kanyang ginawa? Ano
‘to, kailangan pang may umangal para lang mapahiya siya?
Sabagay,
nasa sa sikolohiya rin kasi ng tao ang katotohanan na may isang bagay pa ang
kailangang mangyari para lang makapagpabigay ng tanda sa kanya na “itigil mo na
‘yan!” Parang sa aspeto ng pang araw-araw na buhay natin, kailangan magalit pa
tayo sa mga taong umaabuso sa atin matapos ang di-mabilang na beses na
pagpapapkita ng ating kabaitan sa kabila ng kanilang pananamantala.
Ang tanong dito,
nagtanda na ba si Marc Joseph Solis sa kanyang pag-pe-plagiarize?
Kung sakali
man, magsilbi sanang paalala rin ito sa ibang nangongopya ng mga artikulo sa
mga blogs at mga Facebook pages nang walang pahintulot o pagkilala (o
pagbibigay-credit) sa mga taong orihinal na may-akda. At pati na rin sa mga
kuha ng litrato at video na hindi naman nila pagmamay-ari.
Hindi porket
pwedeng mag-share ay hindi na rin tayo hihingi ng permiso. Libre lang yan sa
advent ng social media (unless kung ang hinihingan mo ng larawan, artikulo o video
ay may bayad; depende na ‘yun siyempre).
Kung gusto
mong sumali sa mga photo contest, e ito lang ang maipapayo ko: kuha lang nang
kuha... pero dapat orihinal na gawa mo ‘yan. Sa totoo lang, kahit hindi naman
SLR ang gamit mong camera e, may tiyansa ka sa ganyan eh (unless i-require nila
depende sa mechanics).
Credit-credit
din ‘pag may time. Pag wala kang time, ‘wag kang kumpoya. Plain and simple.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
I've also seen a post on Twitter where Rappler allegedley used a photo without proper credits to the owner. Believe it or not all the Maria Ressa said was that "Social Media is a public domain".
ReplyDeleteWhich is somehow true. However, just doesn't mean that we are in share-able world doesn't mean that we should not use permission nor acknowledgment either. Of course, we need to give some kind of respect to the people who originally owns it.
Deletesoliscitation - ang pagnanakaw ng gawa ng iba. parang sotto-copy
ReplyDeletemay mangilan-ngilan na ring nagpopost ng mga akda ko sa kanilang mga fb pages at lumalabas na sila ang may gawa. kapag nakakahuli ako nito, sinusulatan ko sila upang paalalahanan na hindi masamang mag-share basta't may acknowledgment lang sa tunay na nagmamay-ari.
sabi nga ni ely, "hindi maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari".
sa ating mga bloggers, nakakataba ng pusong malaman na may nagkaka-interes sa mga ginagawa natin pero sa kabilang banda, nakakaasar din dahil hindi natin alam na tayo pala ay nanakawan na.
blogenrol \m/
tama! ganun sana. which reminds me sa kaso ng isang fb user nun na talagang binangga ng grupo ng mga writer sa DF. as in di lang credit-grabber ang ginawa nun e, kundi "blog-grabbing."
Deletesa akin naman, mga balik-tanaw groups ang madalas mag-cut and paste ng mga gawa ko. okay lang, ibig sabihin eh may nagbabasa! hahahaha \m/
ReplyDeletehahahaha! para-paraan din nila e no? para di mahalata ang mga pasimpleng gawain nila.
Delete