9:58:29 AM | 4/29/2013 | Monday
Para sa isang maralitang mamayan na tulad ko, ang musika ang
aking tanging libangan. Ang problema lang, kung wala kang datong , hindi ka rin makakabili ng album at
ang tanigng sandigan mo lamang ay ang radyo. E paano kung hindi naman lahat ng
kanta ay ineere sa radyo o pineperfrom sa TV? Sa conert lang yata ang natitirang
pag-asa. E paano kung mas mahal pa sa isang linggong pagkain mo ang ticket para
lang makapanood ng concert? Hahanap ka ng libre o at least, mas cheap, ‘di ba?
Ang mga lugar na tulad ng Eastwood City
ay madalas na nagsisilbing libangan ng iilang mga music lovers para makapanood
ng libreng concert. Bagay na minsan ay tinatambayan ng inyong lingkod kasama ng
ilang mga nakatatandang kamag-anak.
Isa sa mga unang beses rin na nakasaksi ako ng live concert dito ay noong anibersaryo ng Wave 89.1 ('di pa 891 ang tawag nila sa frequency nila). Sa panahon na sobrang fascinated ako sa talento at charm ni Nina. Pumyok pa nga yata siya nung kinanta niya ang Through the Fire eh.
Dito ko nga lang yata nasaksihan na mapanood ang mga tulad
nila Aia De Leon at kanyang banda na Imago, Rico Blanco at ang kanyang
Rivermaya (noon), Parokya Ni Edgar, Luke Mejares, Nina, at iba’t iba pang mga
tanyag na mang-aawit. Isang gabi na punong-puno ng rakrakan at party lang. Astig!
Minsan nga habang nakikinig ako sa istasyon ng Magic 89.9 ay
umere noon ang launching ng album na Kami nAPO Muna (yung unang version nun) na
tinampukan ng samu’t saring mga banda na tulad ng Kamikazee, Parokya Ni Edgar,
Orange and Lemons, atbp.; at sabay pa ito sa ika-20 anibersaryo ng nasabing
istasyon kung tama ang pagkakaalala ko.
Isang pagkakataon pa ay nung ni-launch pa nun ang Channel 33 bilang UniversiTV. 'Di man siya concert kung tignan (dahil hindi naman mga musika ang pinakatampok sa event na 'yun), pero marami ring mga artista at musikero ang nagtanghal e. Doon ko nga lang napansin na mas cute pa siya kesa kay Lia Cruz. LOL!
Ngayon, may ganyan pa rin naman sa Eastwood e. Iba’t ibang
event nga lang siyempre. Sa huling beses na nakatambay ako dun ay noong finals
ng band search para sa the Marty’s na kung saa’y huling beses kong nasaksihan
ang hindi halatang enerhiya ng isang Lourd de Veyra habang kinakanta niya ang
mala-alamat na Astro mula sa kanyang bandang Radioactive Sago Project. Final
act nga lang yun at sayang dahil kahit anong taas ng talon ko ay hindi ko
naabot ang ipinamimigay nilang T-shirt (LOL).
Grabe. Yun lang yata ang panahon na kung saan ay abot-kaya
ng halos sinuman ang magandang kalidad ng lokal na musika. Asan na kaya sila
ngayon? Hmmm.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!