Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 October 2013

Tirada Ni Slick Master: Butt Exposure

10/29/2013 5:26:40 PM

Ito lang ang ‘di ko maintindihan eh. MTRCB, uminit ang ulo sa butt exposure ni Mr. Bean?!? WHAT THE?!?!?!!  Ang babaw masyado noh? Pero yan kaya ang naging isa sa mga headlines sa entertainment section ng isang pahaygan. Well, editor’s pick pala yun.


Anak ng pating naman. Ang daming problema sa kalakaran ng media ngayon, pero bakit siya pa? Eh nagtakip nga siya kung tutuusin eh. Of course, sinasabi ko ‘to dahil ilang beses na rin sa talambuhay kong napanood ang episode “Room 426” ni Mr. Bean, mula plaka hanggang ABC 5 hanggang Disney Channel.

Pero... ano nga bang ipinaglalaban ng Movie Television Review and Classification Board dito? Yung eksena kasi na nagkaroon daw diumano ng mahaba-habang “butt exposure.” Yung tipong na-lock yata ang kwarto niya, nataranta bigla, tapos kailangan niyang  makuha ang susi ng kwartong yun muli sa front desk (which by all means – kelangang kumaripas ng takbo at sumakay ng elevator pababa na ang nagko-cover lang ng kanyang private parts at pati ang pwet mismo ay ang mga signage board).

Kaya sinummon nila ang ABS-CBN para sa pag-ere nito. Ayon sa chairman ng ahensya na si Toto Villareal, ni hindi nga yan maaring i-classify daw sa SPG (Strongly Parental Guidance/Striktong Patubay at Gabay) ang naturang portion. Sabagay, sa alas-9:45 o alas-10 ng umagang programa, parang ‘di yata tama yan.

At habang pinanood ko ulit ang videong yun (nasa 20-something minute na part yun e). Ang tahasang “naked butt exposure” ay tumagal ng ilang segundo. And for Pete’s sake, it’s just a few damn seconds! What’s up with that?



Pero hindi lang naman sa Pilipinas naging kontrobersyal ang eksenang ito. Sa UK nga, inedit pa nga ang mga eksenang ito para lang mai-ere. Siyempre, for censorship purposes eh. Ni hindi nga ito inere sa Nickelodeon UK eh, considering na kids and teenagers din ang majority ng audience dun.

At dahil “child-friendly” daw dapat ang mga palabas sa mga naglalakihang TV network sa Pilipinas, dapat raw ay wala ang mga ganitong eksena. Kung may hubo’t hubad man, dpaat ay natural itong naipapakita at hindi tinatakpan ang mga private parts.

Yun naman pala eh. Pero “child-friendly” ba ang usapan? Sige, kung yun lang din naman ang pinaka-purpose kung bakit nag-aalburoto ang MTRCB sa kasong ito, might as well na dapat ay mag-take actions sila para maging “child-friendly” talaga ang TV pagdating ng alas-6 ng umaga, hanggang 9 ng gabi, at ang pinaka-suhestiyon ko para dito ay... i-pagbawal ang mga teleserye.

O ano, angal ka? Kung child-friendly lang naman ang usapan, i-ban ang mga ‘yan. Mantakin mo: madaling mauto ang mga bata pag nakakakita sila ng sapakan, sampalan, kidnap scenes, barilan at pasabugan sa warehouse, and come to think na tama lang yan para sa mga bata? ULOL. Para sa action movies at crime beat news stories lang yan, ‘oy!

At kelan pa naging child-friendly ang imulat ang mata nila sa mapusok na mundo na kung tawagin ay “paglalandi?” E madalas kaya sa mga teleserye, pa gang eksena ay sa eskwelahan ay hindi naman ukol sa pag-aaral ang ipinapakita... sa halip, panay usapang pag-ibig lang naman ang ina-acting nila. E sa totoo lang din, marami ding love scenes ang ipinapakita sa TV. Baka ng may private parts pa e, siyempre tinatakpan lang nila yun, o pwede ring dahil madilim ang ilaw.

Child-friendly entertainment pala ha?



Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!