10/8/2013
9:56:36 PM
Nakakatawa
lang na may ganitong proyekto pala sa ating bayan, ano?
Hindi naman
sa pagiging mataas at maangas, ha? Pero pansinin ang larawang ito na mula sa
artikulo ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.
Yung bagong
footbridge sa bandang Commonwealth Avenue (o sa alternatibong pagkakakilanlan
nito na Don Mariano Marcos Avenue). Ang isang bahagi ng naturang tawiran ay may
nakahambalang na mga kable ng kuryente.
Photo credit: http://newsinfo.inquirer.net/501237/qc-to-dpwh-fix-perilous-footbridge |
Ano,
nakaiinit ba ng ulo? Tumaas ba presyon mo?
Ngayon,
sino ang may-sala sa ganitong kalokohan? Ang mga mambabatas ba na
nagbibigay-pondo sa mga ‘to (sa pamamagitan ng kanilang “pork barrel”)? Actually,
hindi sila. Alam n’yo kung sino? Yung mga kontratista ng mga proyektong ito, at
damay na rin dito ang Department of Public Works and Highways. Bakit kanyo?
Sige nga,
sino bang nasa katinuan ang gagawa ng mga ganyang klaseng proyekto? Sino bang
hindi gunggong ang magtatayo ng footbridge na hindi isasang-alang-alang ang
kapakanan ng mga taong aakyat sa overpass na ito? Kahit nga isang simple at basic
na istruktura e masusi pa ring pinag-aaralan para lang maisakatuparan e. As in
masinsinan talaga.
Kaya sa
kabilang banda, mag-iisip din ang tao na “sino bang gago ang tatawid sa
footbridge na ‘yan? Baka makuryente lang tayo d’yan?!” – kahit actually, hindi
naman high-tensioned ang lahat ng wire d’yan (pero bottom line: delikado pa rin
‘yan, no!).
At hindi na bago sa ating kasaysayan ang mga palpak na
proyekto ha? Mula sa pagbakbak ng mga kalsada (o tinatawag nilang “road
re-blocking”) pa lang, palong-palo na tayo e. Nagbabayad tayo ng buwis para
makapagpagawa tayo ng mga proyekto na kaaya-aya at kumportable para sa atin. Hindi
para sa baku-bakong serbisyo o sa mga plataporma na hindi man lang
pinag-isipan.
Ayon sa
artikulo ng Inquirer noong Linggo ay pinapatanggal na ng pamahalaan ng lungsod
ang naturang problema. Nakipag-coordinate na rin daw ang DPWH sa Meralco para
tanggalin ito. Pero pati Meralco, may-sala dito? Sabagay, linya nila yan e. Hindi
ba nakipag-coordinate? E di sana, pansamantala munta ito pinmatigil ang
konstruksyon para maiplantsa ang gusto na yan ng maayos.
Kaso,
babagsak pa rin sa mga taong gumawa ng footbridge na ‘yan ang sisi. Basic logical
thinking lang kung bakit (nasa mga naunang talata na nga ang mga sagot eh).
Baka kung
may panibagong dahilan kung bakit babansagang “killer highway” ang DMMA o ang
Commonwealth Aveunue... sa malamang, ito ang isa sa mga “dahilan” na ‘yun.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
Medyo delikado nga yang mga kable ng kuryente. Sana tinaasan na lang nila yung overpass pero di natatamaan ng kable.
ReplyDeleteMaari yan, bagamat ang mas iniisip ko nga ay sana naman ay ninilabas at kung maari, ay idinistansya palayo an mga kableng yan.
Deletei'm afraid of pedestrian bridges as such! I remember crossing one and I really thought I'd die!
ReplyDeleteI feel you. I remember another overpass in QC that has the almost same situation as this one. And I can't help but to get pissed on whoever who'd done that project.
Delete