10/15/2013
3:21:46 PM
Isa sa mga
pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga tao ay ang hindi marunong gumalang sa relihiyon ng kapwa nila. Don’t
get me wrong, maraming ganyan sa hanay ng mga sekta. Minsan nga, pari pa nga
ang may ganang gumawa ng ganyan e, maliban sa ilang mga atehista. Pero ito? Ang
litratong ito? Naku, good luck na lang sa ‘yo sa pangbabatikos ng Pinoy patola
mob.
Hindi ako kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Isa akong Katoliko. Pero at least, alam ko na isa sa mga hindi napakagandang gawain ng isang tao – o in other terms, “kasalanan” – sa moralidad at konsensya mo (kung hindi man sa itaas, o kay “Bro,” or simply... “Diyos”) ang pagbastos mo sa paniniwala ng ibang tao. Oo nga ke tahasan man ‘yan ang pamamaraan o hindi.
Sa totoo
lang, hindi lang naman siya ang may ayaw sa mga evangelical mission ng isang
sikat na relihiyon sa Pilipinas e. Hindi lang siya ang nabadtrip sa matinding
trapik kahapon. Hindi lang siya ang na-perwisyo mismo.
Pero para
magbitaw ng matitinding salita sa Twitter? Tulad nito, na all caps pa at
malulutong na mura? Naku, good luck na lamang sa iyo, te. Alalahanin mo na ang
lawak ng kapangyarihan ng social media para sumikat ka, at sa parehong
pagkakataon, para sirain ka. At sa katulad ng kasong ito, kapag nagbato ka ng
isang matinding pananalita, chances are malalagay ka rin sa langaning
sitwasyon. Lalo na kung mayroon sa network ng friends at followers mo ang bigla
na lamang i-print screen yang post mo, i-upload sa kanyang profile, at ikalat
pa ito sa publiko. At take note – ang “public” posts, mas malawak ang kakayanan
na ma-reach, mas maraming makaaalam. Mas maraming makaaalam. At come to think
na karamihan sa mga nagreact ay either: may alam talaga sa pangyayari, o nakikisawsaw
lamang.
Sa totoo
lang, wala sanang masama sa paglalahad ng pagkadismaya e. Wala rin sanang
masama sa manner ng pagbibitaw ng salita ng pagkabadtrip. Kaso kahit ang
pagiging bulgar at brutal, may hangganan pa rin. At kapag lumabis ka, hindi
maganda ang kalalabasan. Parang kasabihan na “ang lahat ng sobra ay nakakasama.”
Sa kasong
ito, well... foul naman na talaga ang ginawa ni ate e. Kung mabu-bully man siya
sa cyberspace dahil sa ginawa niya (kahit na sa totoo lang ay hindi na rin
naman tama), e gago rin kasi siya eh. Siya rin kasi ang may pakana ng kalokohan
na yan eh.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
grabe naman ata yan, respeto lang di kailangan na i-hate natin ang ibang paniniwala.
ReplyDeleteMISMO!
DeleteKami po ay tumutulong ng walang kapalit , hindi lamang po sa Manila ang aming nililingap ,kundi sa ibat ibang lugar po ng Pilipinas at pati na rin po sa Ibat ibang panig ng mundo.Naging controbesya lamang po siguro sapagkat mismong centro ng Maynila ito ginanap .Ipagpaumahin nyo po kung kayo po ay naabala sa aming mga gawain.Inaasahan na po namin na maraming magsasalita ng hindi maganda ngunit sa kaibutran ng aming puso ay walang bahid ng ano man at pagtulong lamang po at pagpapahayag ng salita ng Dios ang aming gawain. Maraming salamat po.
ReplyDeletesa totoo lang, wala kayong kasalanan diyan. nakakairita lang ang paglalahad n'ya ng pagkadismaya.
Deletesana magmahalan, mag-intindihan at matutong magparaya tayong mga Pinoy..
Deleteganun sana tayo, bilang tao, bilang mga mamayan ng Pilipinas, at kahit iba't iba pa ang pananaw at pananampalataya natin.
Deletebago ako manghusga,,,nagtatanong muna ako kung bakit nya NAGAWA un baka naman may nangyaring mabigat sa kanya,,masama rin naman ang ginawa nya pero wala rin ako kahit katititng na karapatan para husgahan sya isa lang ang may karapatan na humusga sa kanya at hindi kyo un ,,,kung hindi ang diyos,,at sya lang ....
ReplyDelete