10/4/2013 1:38:44 PM
Photo credit: http://vincenton.wordpress.com/2013/10/01/devina-dedivas-bigoted-online-rants-should-shame-rps-politicians-and-protectionists/ |
O, may ayaw pala kay Megan Young. May ayaw sa pagkapanalo ng Pinoy. May ayaw sa nanalong Miss World 2013 na mula raw sa bansa ng mga alipin.
O eh ano naman ngayon? Bakit naman kayo pumatol sa bruhang
yan? Totoo ba na mga yaya lang tayo dito?
Isang malaking joke ang lahat? Kung ganun, isa lang ang sagot
ko: kung joke man sa mata mo ang manalo si Megan Young, e ang corny mo naman,
gago!
Pero teka lang, ano ba ang kinaiinisan ng mga Pinoy dito? Yung
“biro” ng pagkapanalo? O ang “racist remark” na “I did not know those maids
have anything in them.” “Poor” and “smelly” pa nga e.
Ito ang realidad ng buhay na hindi lahat ng tao ay matutuwa
kahit ikaw pa ang nanalo ng pinakabongga at pinaka-prestihyisong parangal sa
tanang-buhay mo. “You can’t please everyone,” ika nga.
Pero anak ng puta naman, kailangan bang patulan ang rant na
yan ng bruhang si Devina DeViva? OO at hindi lang ang pwedeng isagot d’yan.
Hindi dahil sa hindi naman nagma-matter ang opinion n’ya sa atin kung tutuusin.
As in “tangina, sino ba s’ya para makapagbunganga sa Facebook?”Eh kung
magpapakababaw lang ang pag-unawa ko sa buhay e halata naman yatang TROLL lang
din ang kanyang pangalan. Divina Deviva? Sino ba namang kups ang magpapangalan
ng ganyan?
Sa Manchester University siya nag-aral? Namumuhay sa
Singapore? Bente-sais anyos? May 33 kaibigan lang (aba, mas anti-social pa ang
bruhildang ‘to kesa sa akin ah?!), jejemon magtype (hindi ka nagte-text, loka),
at may gana pang mag-selfie kahit hindi naman saksakan ng pagiging sexy?
Putangina, nakakadiri naman ‘yan.
O, siya… sige. Para fair lang. Oo, marami ngang “yaya” sa
Pilipinas. Pero huwag ka, hija (at oo, hija na lang itatatawag ko tutal mas
lamang naman yata ako ng taas ng mentalidad kesa sa antas ng pagiging matapobre
n’ya e) – ang mga yayang yan ang pinakamaalaga sa buong mundo.
At sa totoo lang, tigilan na natin ang pagiging patola sa
mga panlalait niya. Bakit kanyo?
Una, dahil alam na nating racist at foul. Kaso nasa internet
ka e, at hindi saklaw ng bounds ng mga batas ang online libel. O racial slur.
Pangalawa, likas na mataas ang ego natin kesa sa ibang lahi.
Mantakin mong may gana pa tayong magpasaway sa sariling bansa kahit may mga
dayo na nakatingin sa atin?
Pangatlo, dapat tigil-tigilan na rin kasi natin ang pagiging
balat-sibuyas. Ang lalakas nga natin mamintas sa kapwa natin, tapos tayo pa ang
may ganang mapikon pag inasar tayo pabalik? Oy, di fair yan. Nanakit ka e, e di
dapat masakatn ka, gago.
Saka ito pa, maraming rant din naman ang ibang bayan laban
sa ating lahi ah. Ilang beses na rin tayo pinupuna ng mga kapitbahay dahil sa
pagiging ogag natin, ang mga flaws natin, kasama na ang hindi wastong
pananamait at pagsunod sa batas. Hindi pa tayo natuto kahit sinupalpal na tayo
nila Jimmy Sczieska. Bakit hindi rin naman natin patulan yun? Sabagay, spur of
the moment kasi ang tirada ni DeViva e.
At sa kakapatol niyo sa sinabi niya, pinapalaki n’yo lang
ang ulo niya eh. Pinapasikat n’yo pa ang nahahalatang papansin naman. At sa
lohika ng panahon natin, ang pikon ay talo; at pag naasar ka sa isang bagay,
siyam sa sampung beses ay sasabihin ng nang-asar sa ‘yo niyan na “totoo naman
pala e.”
Rude na kung rude. Racist na kung racist. Pero mga ‘tol – aksaya
lang sa oras ang pagpatol sa tulad niya. Magtrabaho na lang tayo o makibaka
laban sa mga “nangbababoy.”
Sources:
author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
My God
ReplyDeleteKakaiba itong post na ito about Worldwide racial slur.
ReplyDelete