11 October 2013

When “Indie” Is “In.”

9/21/2013 8:53:26 PM

Sa nakalipas na mga buwan at taon ay tila umuusbong na ang industriya ng pelikula sa ating bansa. Pero hindi sa parte ng mga nasa mainstream ang tinutukoy ko. Alam mo kung saan? Ito lang naman – ang nasa larangan ng mga independently-produced films.

Kung may mainstream, siyempre may underground... bagay na tulad na lamang ng mga pelikula.

Marami nang gumagawa ng mga tinatawag na indie film. Marami rin naman ang mga tumatangkilik rito. Hindi nga lang sa local na audience ang tinutukoy ko. Kadalasan kasi sa mga indie film sa ngayon ay humahakot ng parangal sa mga patimpalak ng sining pangpelikula sa ibayong dagat. Maliban pa sa mga film competitions dito sa lokalidad.

Ito nga lang ang nakalulungkot isipin – na saka lang ito papansinin ng mainstream kapag ito’y nanalo na sa international na kumpetisyon. Na mas maraming kritiko pa sa buong mundo ang nagbibigay ng papuri at positibong remark sa mga gawang ito kesa sa atin mismo. Replekyon ng pagkakaroon natin ng kanya-kanyang taste sa mga bagay-bagay (maaring sa atin in general ay hindi okay habang sa iba naman ay okay sa alright ang dating). Wala naming masama dito kung tutuusin.

Bagamat parami nang parami ang mga manunood sa mga tulad ng Cinemalaya, at sa CineFilipino ay katiting na porsyento lang naman ng tao ang sadyang interesado para panoorin ito. Sigruo, dahil na rin sa taas ng halaga para makapanood ng sine sa mga moviehouses, siyempre kailangan ding maging praktikal ng mga tao. Come to think na karamihan sa mga tumatangkilik sa mga pelikula ngayon ay “masa.” Mga tipong nagta-tiyaga sa piniratang DVD ang papanooring msine. Dahil pili lang ang mga taong nakaiintindi ng malalalalim na bagay ukol rito. Pili lang mga taong pinipili ang dapat panoorin.

Kaya siguro ang isa sa mga stratehiya para mahikayat ang publiko na tangkilikin ang mga ito ay ang pag-tatrabaho ng mga piling artista para gawin ang mga proyekto na may kinalaman sa indie film. Na willing sila umarte kahit hindi ganun kataas ang magiging bayad sa kanila. Iba kasi ang indie film pagdating sa budget. Hindi ito tulad ng mga nasa commercially-produced films. Kadalasan pa nga sa mga ito ay hindi ganun kasopistikado o ka-hi-tech ang mga gamit. Mas matrabaho nga ‘to kung tutuusin, pero mas kahanga-hanga naman kung susuriin.

Pero ang pagkakaiba lang naman nito sa mainstream ay... ito: karamihan sa indie film ay may kwentong nilalahad at may sining na ipinapakita. May kabuluhan ba. Unlike sa mga nasa mainstream na “for business” lang ang purpose. Para kumita ba.

Pero sa totoo lang, ito ang mas magandang suportahan ng mga tao. Oo, dapat lang na tangkilikin ng mga ito ang pelikulang Pilipino. At ang tunay na mga Pelikulang Pilipino ay nakikita sa mga patimpalak na tulad na lamang ng Cienmalaya, CineFilipino at iba pa.

Oo, nasa sa mga ganitong larangan nga ang pag-asa na muling umusbong ang pelikulang Pilipino. Suporta!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.