11/2/2013
4:18:02 PM
Sabihin na natin na medieval akong mag-isip. Pero nakakamiss talaga ang lumang Cubao, no?
Oo,
sinasabi ko ‘to dahil malamang, maraming ipinagbago ang lugar na kinalakihan
ko. Dati-rati ay nadadaanana at napupuntahan ko ‘to. Hindi na mabilang sa
listahan o pahina ng encyclopedia kung ilang beses. Basta, halos bawat araw ay
napapadpad ako sa Cubao, estudyante man, tambay, o nagtatrabahong nilalang.
Ang dating gubat (daw), na naging hekta-kektaryang pagmamay-ari ng pamilya Araneta, na na-develop bilang isa sa mga unang pook-pasyalan sa kalakhang Maynila nun, at sa kasalukuya'y nag-eevolve muli para makasabay sa agos ng modernisasyon, na samahan na ng mga opisina ng call-center at nagtataasang mga condominium. Imagine mo na lang kung ilang taon at dekada sa ngayon, napakalaki na ng pinagkaiba ng Cubao noon sa kinabukasan.
Alam ko,
hindi pa araw ng throwback nung sinulat ko ‘to. Siguro nakatulong din yung
minsang pagmumuni-muni habang kumakain sa isang food fair nun sa tabi ng Big
Dome, at ang kumento ni idol No Benta sa Facebook post ko nun (as in yung unang dalawang pangungusap na sinulat ko sa artikulong ito).. Marami siyang
binanggit na lugar sa akin eh. Ang iba’y pamilyar, at ang iba... kapanahunan pa
ng mga auntie at uncle ko (di ko maaring sabihin na erpat at ermat ko dahil
alam ko, probinsyana pa sila sa panahon ng dekada 70 at 80).
Sakto naman
ang musika ng dekada nobenta habang nagrarandom picture browsing ako sa mga nostalgic
na larawan ng buhay sa Pilipinas nun. Actually, nag-focus ako sa Cuabo tutal yun
lang naman ang madalas kong puntahan nun eh.
Those were
the days.
Dahil d'yan, kinalap ng inyong lingkod ang ilan sa mga litrato na naglalarawan ng dating itsura ng Cubao (Lahat ng nakapaskil sa post na ito ay may kanya-kanyang pinangggalingan at kinikilalala ito ng awtor. Tigan nyo na lamang ang caption kung saang website ito galing).
(http://www.flickr.com/photos/annblyt/) |
Hindi makakaila na isa na ang SM o Shoemart sa mga pinupuntahang establisyamento sa Cubao sa mga nagdaang dekada. Di pa sila expanded nun, at nasa baba ang Food Court nila nun.
Ang lumang Gaisano Cubao... anyare na? Halatang napag-iwanan na ba?
(http://ianreyno.wordpress.com) |
Ang Ali Mall dati, nasa baba ang Food Gallery. Kasama ang Rustan's Supermarket, at pitong sinehan pa yun nun. Sieympre, minsan ay nanuod na rin ako dito nun. Kung 'di ako nagkakamali, mga local mainstream films pa yun tulad ng Tataynic at Videoke King.
(http://www.flickr.com/photos/intervene/) |
Pero kahit noon pa na walang MRT 3, traffic ang EDSA! Halata naman, di ba?
(http://dennisvillegas.blogspot.com/) |
Bago pa lumipat ng pwesto ng bus station, sa tapat ng Ali Mall ang kanilang pinakalugar.
Sa New Frontier Cinema noon din ako nanunood ng sine. Naalala ko nga dati na d'yan din yung malaking branch ng Dunkin' Donuts nun eh. Maliban pa sa teatrong yan nakalagak ang McDonalds sa mahabang panahon.
Bago pa naging malaking CUBE (as in yung LED na) ang gamit ng scoreboard nun, ganito siya. Actually, wala ngang video eh. Malaking ad placement pa lang yan nun. At baka dati pa nga (bago sila ni-rennovate noong 1999) ay wala ang cube na yan e.
At actually, ang una't huling beses na naanood ako sa Big Dome ay noong Disney On Ice pa (kinder 1 pa ako nun). Bago ito nasundan noong 2006, noong nanunood ako ng mga laban sa basketball regularly. So imaging n'yo na lang na dekada pa ang inabot ko bago mo ma-experience ang maging batang Big Dome sa sarili kong karapatan.
By the way, dati, ang National Book Store sa tabi ng Gateway ngayon, ay ang Superstore nila. 4 na palapag yata yan kung 'di ako nagkakamali. At naalala ko nun na solid ang pintura ng logo nila sa isang wall nila.
Bago sila lumipat sa Gateway (at gawing call-center, na naglaon ay ginawang bus terminal ang lugar na ito), ito ang tambayan ng mga galante sa Cubao. Ang Rustan's.
Ang Pure Gold ngayon (as in yung ngayon, ha?) ay dating Uniwide Cubao. Sa kasamaang palad, nasunog ang lugar na 'yun at nanatiling bakante ng maraming taon. Pero alam mo, maliban sa establisyamento, ewan ko kung anu na talaga nangyari sa Uniwide nun? Ang pagkakaalala ko lang ay sila ang sponsor ng Battle of the Brains nun eh.
At yung isang motel dun na katabi ng PG, ka-parte din yata ng Uniwide Cubao.
http://ryantheman2.wordpress.com |
At sino pa ba makakalimot dito? Ang COD, ang department store na nagiging instant Chirstmas show pagsapit ng Yuletide season. Ngayon, nasa Greenhills na sila. At ang COD, ay naging alaala na lamang. Actually, naging Pure Gold at (naging) Save More na ang lugar niya.
Ang Isetann Cubao, na still standing tall pa rin tulad ng SM at Ali Mall. Kasama na ang Aurora Tower.
Photo credits: Flickr |
Alam mo, maliban sa mga naitampok ko dito, marami ring mga lugar na maalal ko sa Cubao, tulad na lamang ng lumang Automatic Appliance Center (na naging lokasyon na ng isang call center office), ang Quezon Arcade, at ultimo ang Rempson Supermarket. Yung dating ruta ng jeep, terminal, at ang presyo. Pati yung Coronet theatre (bagamat andun pa rin, e nilalangaw na rin eh). Pati yung mga sinehan dati na nagiging lugar na yata ng bugawan o kung anu-ano na lang. Maya-maya, mawawala na rin sila at sa mga larawan mo na lang sila maalala. Good luck kung maeron ka; otherwise, aabutin ka ng siyam-siyam kaka-Google para lang i-share mo sa Facebook mo 'yan.
May mga nanatiling matatag pa rin naman eh, tulad ng Farmer's Market, Farmer's Plaza at Mercury Drug.
Ganun talaga ang panahon, may mababago, at may maluluma. May aalis, may papalit. Pero wala lang... nakakamiss pa rin eh.
Baka nga ang iba pa d'yan ay mas marami pang naalala kesa sa akin eh, tulad ng Arcegas Dept. Store, pero okay lang, 'yun. Basta, i-share mo ha?
(DISCLAIMER: All photos included in this post have their own corresponding credits - exception to several of them which are photographed by yours truly. See their respective sites for more of the related photographs).
Author: slickmaster | (c) 2013
september twenty-eight productions
ano po bang year ito yung mga old pics ng cubao?
ReplyDeleteJay, iba-iba ang petsa ng mga yan eh. Hindi ko rin kasi nakita at makuha ang mag detalye ng iba dyan nung hinanap ko para gamitin sa post na ito.
ReplyDeleteBagamat yung kuha ko dyan na SM Cubao, yan ay nakunan ko pa noong 2008, bago pa sila mag-rennovate.
Sana nasagot ko tanong mo. Salamat.
lagi ako sinasama ng tita ko or mama ko aa Rempson dyan din sa cubao. Meron din sa harap ng COD dati pag nasa taas ka at sumilip ka sa bintana may bakod na may sobrang lawak na lake at damuhan. Anong building na nga po ba nakatayo dun haha. Ang tryke non 1.50 lang pauwi ng Oxford hehe
ReplyDelete