11/14/2013 8:23:24 PM
Sinabi lang naman ni Anderson Cooper ang kanyang naiulat ah. Anong meron? Bakit may nagagalita yata mula sa media?
Ay, sorry, mukhang may natamaan kasi.
Aniya ng CNN correspondent, 5 days nang
naghihikaos sa hirap ang mga survivior
ni Yolanda. Halos di raw makita ang presensya ng gobyerno sa panahong ito. As
in parang trapik sa EDSA lang… “usad-pagong.”
At bumuwelta naman si Madam K. Hindi raw
niya alam ang mga pinagsasabi niya? So ano ibig sabihin nito? Dahil sa asawa
niya ay isang miyembro ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon. Pero
masyadong madali para mag-jump kagad sa konkulusyon. O Mrs. Know-it-all siya.
Sabagay, mahirap nga naman pag nasa hanay
ka ng pamahalaan. Bagamat may mga matitino riyan na nagtatrabaho ng maayos,
hindi pa ring maiwasan ang mai-stereotype at magkaroon ng negatibong konotasyon
ang bawat kilos o gawain. Isipin mo, 5 days? Sobrang bagal ng pamahalaan para
rumesponde sa pangangailangan ng mga constituents nila? E kaso kasi mga
military na ang nagte-take over pansamantala sa Tacloban, maliban pa sa
national government, dahil paralisado ang local government ng Tacloban.
Makakaresponde pa ba sila sa puntong ‘yan na sila mismo ay napuruhan, pati ang
sampu ng mga kaanak nila? Sira pa ang mga serbisyo ng mga komunikasyon. What can you expect 'di ba? Hindi naman perpekto ang ating gobyerno.
Sabagay, madali rin kasi maniwala ang tao sa media eh. Ika nga, trend-setter siya ng lipunan. Malakas makapang-impluwensya. Fourth estate ng ating estado, at kahit katarantaduhan pa ang makita, marami rin ang nagpapaniwala.
Sabagay, madali rin kasi maniwala ang tao sa media eh. Ika nga, trend-setter siya ng lipunan. Malakas makapang-impluwensya. Fourth estate ng ating estado, at kahit katarantaduhan pa ang makita, marami rin ang nagpapaniwala.
Pero sabagay, kanya-kanyang ulat lang kasi
yan eh. Ang problema ay ito: si Cooper, nasa ground zero; habang si Korina,
sitting pretty naman sa radio program niya. So mas masasabi na mas alam ni
AC360 ang mga nagaganap talaga. Habang siya? I invoke my right to answer that
question (mahirap na, baka ma-libel).
At ito pa ang problema ng disparity sa media. Ang mga reporter sa international news orgs, reporter talaga; maari ring maging anchor. Habang dito naman? Reporter na, anchor na, commentator pa! Versatle, ika nga. Walang masama sana dito, kaso ang problema lang, may nasasakripisyo sa pagiging multi-tasker – ang kredibilidad. Sabagay nasa lugar pa rin naman magbitawang mga anchor ng kumento nila sa mga napapanahong isyu eh. Wag nga lang sana silang mapagkamalang “bias.”
Madalas sa international media ay walang
sugar-coat ang balita. In short, walang paliguy-ligoy. Hindi gumagamit ng mga
salitang “naliligo sa sariling dugo.” Pag patay, “patay” talaga.
Napakastraight-forward. Pero mas okay kung straight news talaga ang hanap mo.
Ika nga ng kasabihan, the truth hurts.
Siguro, masakit nga lang talaga na mula sa isang dayo ito masabi na tulad na
lamang ni Anderson Cooper. Parang human nature natin – masakit lalo pag ito ang
ginamit pang-asar.
At hindi na bago ang pag-eexpose na ganito
ang pamamaraan? Remember si Jimmy Sziecka? Ang banyagang nag-expose ng “20
things I dislike about the Philippines video?” Tinuligsa natin ang mama ony to
realize na: una, tama siya; at pangalawa, masaydo tayong nega dahil hindi natin
pinansin ang “like” version ng kanyang video. Yan kasi ang napapala pag
nananatiling sa kababawan ang antas ng pag-unawa natin e.
I-set aside na natin ang agenda ng
news-delivering. Sa aspeto naman tayo ng commentary. Masasabi bang “fair” ang
pag-criticize ni Anderson Cooper? Medyo fair pa rin, bagamat uma-appear na
isang panig lang yun (sa side ng mga constituents). Pero ang mayoryang
nangangailangan ang mas dapat paglingkuran eh. So sa puntong ito, mukhang sila
ang mas dapat pakinggan.
Anyway, ito lang naman angsagot mng lolo mo dyan.
Pero alam mo? Nakakasura na rin eh. Awat na. Move-on move on din pag may time.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!