10/27/2013
10:01:35 AM
Ika nga ni
Kuya Kim Atienza (sa palagiang extro niya sa kanyang weather news segemnt sa TV Patrol), “sa bawat pagsubok ng
panahon, laging tatandaan na ang buhay
ay weather-weather lang.” Tama, weather-weather lang. Kanya-kanyang
panahon ng pag-usbong, kanya-kanya ring panahon ng paglubog. Hindi nga lang ito
tulad ng kasabihan na la ging iniuugnay sa mga bagay-bagay sa larangan ng pop
culture na “easy come, easy go.” One minute ay buhay pa ang kasama mo, the next
time around ay nasa morgue na siya o sa ataul. O baka maging kartero ka rin ni Douglas Ong kung sakaling pumalpak ang plano n'ya.
Sa nakalipas
na mga minuto, oras, araw, gabi, linggo, buwan, taon, o kahit dekada, malamang...
minsan siguro ay napataka ka na kung “bakit
siya pa?” as in “bakit siya pa ang
kailangang lumisan sa mundo nating kinagisnan?”; “Bakit hindi na lang ako,
o siya (sabay turo sa mga masasamang damo tulad na lamang ng mga gahamang
negisytante, ganid na pulitko, abusadong mamayan at kawatang haling ang bituka)
ang dapat kunin ni Lord?” kasabay
ito siyempre ng paghagulgol o mahaba-habang panahon ng pagkabalisa.
Tama, bakit
pa kung sino ang mga minamahal mo ay siya pang nawawala sa mundong ito? O maari
ring “Bakit kung sino pa ang mga
mababait (exempli gratia: Ramon Magsaysay, Jessie Robredo, Fernando Poe,
Jr., Karol Jozef Wojytla, at kung sinu-sino pa na mga santo o banal – basta mga
ka-budhi ni Santino ng May Bukas Pa) sa
mundong ito ay siya pang kinukuha ni Lord? (Which by the way, reminds me ng
kantang “Good Boy” ni Bladyak noong dekada ’90.)”
Ang sagot: kanya-kanyang panahon yan e. Kung spiritwal
o relihyon ang usapan, tapos na kasi ang
misyon n’ya sa mundong ito. Pero kung realistic ang pananaw mo, maari ring “nagkamali kasi siya sa isang kilos eh”
– na maaring mai-translate sa ‘aksidente (‘di nakaiwas sa ‘di inaasahang
sakuna), ‘krimen’ (nanlaban pa kasi e), o kahit ang aksidenteng pagkalabit ng
alinmang sandata (‘yan kasi, nilalaro ang ‘di dapat laruin’).
At alam ko,
masyadong ilohikal para sa karamihan ang huling nabanggit. Pero ganyan talaga
ang panahon eh.
Pero bakit
ang mga ungas at gago sa mundoing ito ang siyang mas nagtatagal pa? Siguro naisip
mo yung kasabihang “ang masamang damo, matagal mamatay,” no? Ako rin eh.
Pero siguro
kasi, kanya-kanyang panahon lang din yan eh. Malay mo, isang araw ay tatamaan
ang mga bastardong ‘yan ng karma – at mas
masakit nga lang yung sa kanila, parang tulad na lamang yung sirkumstansya na
tahasan silang bina-bash sa internet matapos ang kanilang pagwalang’ya sa kapwa
nila (na inexpose naman ng isang malakas-na-loob na uploader)? Sa panahon
ngayon, pag binully ka ng maraming tao sa internet, e para ka na ring binantaan
na papatayin ka – natatakot ka nang lumabas ng bahay at mag-window shopping sa
takot na may makakilala sa ‘yo na at biglang may humirit na “ay, ikaw yung nanggulpi
sa isang batang wala pang isip, ‘di ba? Yung halos patayin mo? GUYS, CONSPIRACY
TIME! BALATAN NA NATIN NG BUHAY ANG TARANTADONG ITO!” And presto, laman ka na
ng balita at isang space ng obituary sa dyaryo...
... pero
obviously, wala naming nangyaring ganito so far. Mabuti naman kung ganun (wag
naman sanang magkaroon ng kasong ganito).
Siguro ang
mahalaga na dapat isipin natin sa tanang-buhay natin ay ito: wala sa haba ng panahon ang sukatan ng ating
buhay. Ito ay nasa kung paano tayo mamuhay. Parang “aanhin mo naman ang 100
taon sa buhay mo kung panay katarantaduhan naman ang ginagawa mo (tapos ang
excuse mo pa ay YOLO? YOLO your face!)?” Kung panay sugal, DoTA, babae, at iba
pang bisyo ang inatupag mo sa halip na magtrabaho, tulungan ang magulang,
maging magandang ehemplo sa mga B.I. na tropa, at supalpalin ang mga
nagtatanga-tangahan sa lipunang ginagalawan mo?
‘Wag ka nga
lang magsisisi ha? Para kapag dumating ang panahon mo (na... alam mo na ’yun, ‘di
na kelangang takutin ka pa), hindi ka magaya
sa mga taong nanambit na “sana ay
nagawa niyang maglaan ng oras para sa kanyanng mga anak,” mga bagay na sa
kabutihang palad, ayon kay idol Chinkee Tan (sa pamamagitan ng kanyang librong “Always
Chink Positive”), ay hindi niya narinig mula sa alinmang tao na minentoran
niya. Sabagay, mas nakakatakot ‘yun para sa isang tao na nakahiga na sa kanyang
death bed.
“Life is too short. Make
the most out of it.” Sino nagsabi niyan? Hindi ko alam e (time is too short na rin para sa
akin na maghagilap eh... at marami pa akong isusulat pa sa pagrenta ko sa PC na
ito, pasensya, kaya credits sa sinumang unang nagsabi nun). Pero sa totoo lang,
ganyan sana ang nasa isipan natin din. ‘di natin alam kung kelan tao biglang
babagsak o tutumba, o kukunin ni Lord. Dapat sa panahon na ’yun ay handa na
tayo.
Weather-weather
lang ‘yan, mga tol.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!