7/26/2013 5:36:01 PM
Ito lang ang hindi ko maintindihan. Ang daming problema ng
Pilipinasna sinosolusyunan at patuloy pa ring sinosolusyunan ng ating
pamahalaan. Pero ilang administrasyon na ang nagdaan, bumuti naman ang mga
bagay na tila wala nang lunas noon, pero bakit nagngangaw pa rin ang mga ‘to?
Protesta dito, aklas doon. Reklamo dito, reklamo doon. Ngawa
ngayon, ngawa mamaya. Alam ko, mauubos na ang mga salita, pero hindi
maubos-ubos ang problema. Pero sa tingin ba natin e mababawasan ang ating mga
suliranin kung palagian tayong magre-resort sa mga pagkikilos-protesta?
Minsan tuloy parang ang sarap lang tanungin ng mga ‘to: Ano
Bang Ipinaglalaban Mo? Buti sana
kung hunger strike ag ginagawa n’yo. Naalala ko tuloy ang litrato ni Tado dahil
dito.
Palagi ko na lang kasi napapansin ‘to, lalo na noong
estudyante pa ako sa isang pamantasan sa lungsod ng Maynila (particular na sa
kalye ni Enrique Mendiola, kung saan din nakatirik ang kalye na ipinangalan sa
dating mamahayag na si Chino Roces). Tila walang buwan na hindi ka makakakita
ng mga nag-aaklas dito, kahit minsan lang.
Kaya minsan napapaisip na lang ako. 'Yang mga ipinaglalaban
n’yo ba, nagagawan ba talaga ng solusyon ng pamahalaan? At sa malamang, ang madalas na sagot sa tanong
na 'yun ay: wala, kaya nga nagpoprotesta pa rin kami e. (DUH!)
Okay sana ,
kaso hanggang protesta na lang ba tayo? May ginagawa ba tayong paraan para
maibsan ang mga sigalot na dinaranas natin?
Kung wala naman at panay ngawa ka lang nang ngawa, patay tayo d’yan! Kung tutuusin, reklamo ka nang reklamo, pero wala ka namang ginagawang katinuan para sa bayan mo. E anong karapatan mong magreklamo? Porket nasa demokratikong bayan tayo ay magaalburoto ka na lang at magsisigaw-sigaw diyan?
Nagsayang ka pa ng mga materyales bilang protesta sa
ginagawa mo? Bumili ka pa, ginawa yun pero, niwaldas mo rin lang naman para lang
mapansin ng media ang hinaing mo. Lokohan ba ‘to?
Kamot-ulo na nga lang ako sa nangyari nun sa Polytechnic University
of the Philippines e. Sinunog ang upuan bilang protesta sa pagtaas ng matrikula. E kung
sira-sira man yun, e di sana
pinaayos n’yo na lang yun at sabay nilagyan ng placard na nakapaloob ang mga
salitang ipinaglalaban niyo. E di nakatulong pa sana kayo sa ibang mag-aaral, ‘di ba?
Halip na gumawa ng paraan para makatulong, ginamit ang
kukote para manira. Tsk. Ano ba naman yan?
Alam ko na naging epektibo ang pagkiklos–protesta ng tao
kung pagpapatalsik ng pinuno ang usapan..Tatlong beses na nga tayong nag-People
Power, ‘di ba? Pero alam mo, kung palagian na lang tayo magreresort sa ganitong
pamamaraan, hindi na ako magtataka kung mangayri ang ganito:
- Ilang mga presidente ng ating bansa ang mapapatalsik dahil sa People Power
- Magkakaroon ng matinding dahas na dala ng hidwaang ito.
- Hindi uunlad ang ating bayan dahil sa pagiging reklamador natin.
Oo, hindi malabong mangyari ang ikatlo, lalo na’t matindi ang kapangyarihan natin.
Sinamahan mo pa ng mga mdoernong baya tulad ng text at internet.
Hay naku.
Sa halip na magreklamo, e magtrabaho na nga lang tayo. Wala namang nangyayari e. Wala ngang pagbabago pero wala rin naman tayong ginagawang aksyon sa mga problema natin.
Sa halip na magreklamo, e magtrabaho na nga lang tayo. Wala namang nangyayari e. Wala ngang pagbabago pero wala rin naman tayong ginagawang aksyon sa mga problema natin.
Author: slickmaster | © 2013 septermber twenty-eight
productions
Hello kabayan ko, yes amen ako kailangan na love each other tayo mga Filipino , because love can change everything .sana wala korakot sa bansa natin yes kami mga ofw naka tulong kami.very sad to hear na walang pagbabago ang bansa mulang bata ako lage lang narinig ko problem sa bansa natin, so mag pray nalang tayo about this na may pagbabago ang lahat,
ReplyDeletetama kung wala ka rin naming maitutulong sa bansa tumahimik ka na lang
ReplyDeletedalawang mukha lang naman ng mga taong nagproprotesta eh
ReplyDeleteang isa para sa kabutihan ng bayan
ang isa naman ay para sa kanyang sariling kabutihan
kung hindi tayo mag-iingay sino ang gagawa nyan para sa atin?? mga amerikano??mabuti na yong may nagrereklamo baka isipin nila mga gunggong tayo..na sunod lang ng sunod sa gusto nila..
ReplyDeleteCheck na check kabayan.
ReplyDelete