11/8/2013
10:44:26 AM
Hindi
kailanman matitinag ang buhay na diwa ng mga Pinoy. At hindi ko sinasabi ‘to
dahil sa likas din na matitigas din ang ating ulo ha? (ops, ulo sa taas ang
tinutukoy ko. Para malinaw lang sa atin, ha?). May kasabihan, “The Filipino
spirit is WATERPROOF!” (na pinasikat pa sa isang episode ng interstitial ng
aking idolo na Word Of The Lourd).
Tingin ko,
patunay lamang ito na ang mga Pilipino, kahit mabasa ng ulan, kahit bahain pa
ang tahanan, kahit mahangin pa ang kapaligiran (as in literal at walang halong
kayabangan), ay subok na matibay, suibok na matatag (teka, tunong tagline ng
Standard appliances to ha?). Oo, sing-tibay ba ng kawayan. Kahit anong
kalamidad pa ang humagupit. Kahit delubyo pa ang hatid. Hindi magpapatinag ang
mga Pinoy.
In fact,
kaya pa kamong tawanan ang problema. Kaya pa nga mag-DoTA eh, o mag-basketball.
Pero kidding aside, “bagyo lang sila. Pinoy yata kami!”
www.leakysquid.com |
Oo, bagyo
lang sila. Naalala ko dati sa panahon na tulala ako at namamahay ay ito ang mga
salitang nakikita ko sa isang post sa Facebook nun. Oo, nga naman, traumatic
din kasi ang mabigat na bagahe ni Ondoy nun. At sa malamang ay nagsisilbing pampalubang-loob
lamang ang mga salitang ito, o pinapatawa ka lang (masyado ka na kasing seryoso
sa mga nagaganap eh). Well, unless wala talaga sa hulog ang lahat ng
pag-aatempt na i-comfort ka.
Pero tama,
bagyo ka lang! Pinoy yata kami. Ang dami nang bagyong tumama sa bansang ito. Ayon
pa nga sa infographic ng News5, ay 5 sa mga ito ay nasa dekada ’70 at ’80 pa
yata. Mas malakas man ang mga bagyo ngayon, di hamak naman na nasubukan na rin tayo
noon.
Pero hindi
ko iniismol ang mga ito, no? Alam ko kung gaano kagrabe ang isang delubyo. At alam
ko rin kung gaano ka-miserbale ang maging isa sa mga biktima ng hagupit nang
dahil sa kapabayaan natin sa ating pag-aalaga kay Inang Kalikasan. Dahil siyempre,
naranasan ko rin naman ang pumasok sa eskwelahan at opisina kahit bumabaha na
at pinapaliguan ka na ng ulan. Isa rin ako sa milyun-milyong buhay na
kamuntikan nang sirain ni Ondoy noong 2009.
Pero ang
panahon ng paghihimutok, hindi mo dapat dalhin habang-buhay. Ika nga, “experience
is the best teacher.” Natuto man akong maging praning. Natuto rin akong maging
alerto, maging mapagmatyag. Natuto akong maghanda sa mga nagbabadyang balakid
na sama ng panahon.
Pero may
isang bagay akong natutunan – tumingin sa nag-iisang ilaw sa madilim na mundo.
Look on the brighter side, ika nga. Maging optimistiko. Okay lang na tawanan
din minsan ang problema, basta ilulugar mo nga lang ito sa tama.
At
panatilihin mo ang iyong pananampalataya sa kanya. Tama, sa Supreme Being mo.
Hindi man ako isang relihiyosong tao, pero naniniwala ako na maraming
magagandang bagay ang darating kesas a mga masasalimuot. Minsan, maari mong
ipagdasal yan. Pero mas okay kung madalas.
Dahil kahit
anong bagyo pa ang dumaan, gaano man kalakas ang hampas ng hangin, at gaano pa
kalakas ang ulan, gaano pa kalaki ang sakot nito... huwag ka lang bibitaw. Maging
matatag ka. Maging handa at mag-ingat.
Tama. “HOY,
(insert storm name here), tandaan mo ‘to... bagyo ka lang. Pinoy yata ‘to!”
P.S. Ang post na ito may halaw na insipirasyon mula sa mga blog na nagsulat ng may kahalintulad na tema.
P.S. Ang post na ito may halaw na insipirasyon mula sa mga blog na nagsulat ng may kahalintulad na tema.
Author: slickmaster
| (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!