Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 November 2013

Basta Pulitika Ang Pinairal, Sira Ang Sistema

11/20/2013 7:16:17 PM

“Basta pulitika ang pinairal, sira ang sistema.”

Alam mo, sa totoo lang, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makausad ang ating bansa. Maliban pa sa mga pagpatol natin sa mga kontrobersioya sa showbiz, at ang jeskeng nauusong palabas sa telebisyon na kung tawagin ay “teleserye.”

Bakit ganun? Siguro, dahil sa sadyang marumi ang pulitika sa ating bansa. Lahat nagpapatayan para sa isang mababaw na bagay na kung tawagin ay “kapangyarihan.” Lahat nakikipagbanggan para lang makamtan ang boto ng mayorya. Gusto nilang maupo sa isang pwesto na sa tingin nila’y magiging lider sila ng sambayanan kahit na sa totoo lang, ang dapat tawag sa kanila ay “public servant.” In short, yaya o  alipin dapat natin sila, at hindi tayo ang inaalipin nila. OO nga, ‘di ba sabi nga ng kuya mo ay “kayo ang boss ko?”

Pero bakit nga ba nasisira ang isang adhikain ng isang personalidad sa pamahalaan nang dahil sa pamumulitika? Tignan mo ‘to: sa kasagsagan ng pagtulong ng mga lupon ng mga tao sa mga biktima ng kalamidad ay may mga ganitong eksena.


Mga sinasamantala ang pagkakataon na magpakilala kahit wala pa sa tamang panahon ng panliligaw sa kanila. Bakit nga ba ganun? Para daw maalala sila ng mga tao pagdating sa mga susunod na taon na magkakaroon ng panahon ulit ng paghalal. Ganon?

Eh bakit daw hindi sila nahahatiran ng tulong? Dahil di raw kabalwarte ng administrasyon ang mga naumumuno? Ay, ganon?

Hindi ba maaring kahit minsan lang ay maisantabi mula ang ating kani-kanilang mga adyenda at dapat ay tulungan natin ang dapat tulungan?  Tigilan natin ang pagtuturo at pamumuna, o kung saang partido kayo nakabilang. Andiyan kayo para paglingkuran ang mga tao, hindi para sa mga bwakananginang political agenda niyo.

Hmmm, masayang lugar na sa mundo ang kabisayaan siguro pag nangyari yun.

Kaso... leche, asa pa tayo. Dahil sadyang marumi nga ang pulitika sa Pilipinas, napakalabong mangyari niyan. Hindi sa pagiging nega o ano, ha? Pero tignan mo na lang ang kalakaran nito sa ating bayan. Napkarumi ng laro. Pag nanalo, dinaya raw. Pag natalo, dinaya raw. Ayaw ng corrupt pero sinong gumagawa ng kababalaghan, ng sari-saring kabalasutgan? At sinasabing “dirty tactic” lang daw ang lahat ng paninira, o “black propaganda” (bagamat to be fair naman ay hindi naman lahat ng intriga ay totoo)?

At minsan, ang lohika ng mga bagay-bagay, baluktot – at yun pa ang pinapairal. Ang mga mababaw na bagayk, ginagawan ng batas? Sa halip na dapat ay nakatuon trayo sa mga seryosong bagay. Hindi raw siya EPAL pero grabe naman kung ipangalkal ang pagmumukha sa mga billboard at tarpaulin.

At ito pa – hindi ginagamit ang political will sa tamang paggagamitan.

Hay naku. Kung hindi rin kayo saksakan ng mga pagiging gago, ano po?


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!